023. mistula
“Sa pagpikit ng yung mga mata sa gabi… naisip mo ba ko? At ang sa’n libong taong iyung pinapaluha… and damdamin ng isang inang nakikita kung paano lamunin ang kanyang anak ng pagkabigo… Naisip mo ba? Kung hindi, isipin mo kaya…? Matutuwa ka ba… isang tao ay nagdurusa dahil sa pagibig niya sa’yo… at wala kang kasalanan… basta, nagdurusa siya… masisisi mo ba siya… sino ang may kasalanan…?”
“Hindi… hindi kita sinisisi… ‘Di ko sinasabi na kasalanan mo… alam ko ‘di mo ito hiningi… At nagkataon lang wala kang maramdaman sa kanya… Hindi naman natin pwede ipilit… mali yun… mas malaking kasalanan kung magkukunwari ka… mas malaking kasalanan kung paniniwalain mo siya sa isang pagkukunwari…”
“Kung mahal mo ang isang tao… mahalin mo lang… wag mo itong ariin… hindi ganun ang pagmamahal… ang pag-ibig… Higit pa dito ang pag-ibig…”
“Huwag mo akong tanongin… malalim ang balon… hindi ko kayang arokin…”
“Yosi na lang tayo…”
Dalawang kaha nakalapag sa misita… isang Marlboro Reds, isang Winston Lights… sa kanya ang pula, akin ang puti… kanya-kanya din kami ng lighter… kanya-kanyang sindi… kanya-kanyang hit-hit… kanya-kanyang buga ng usok… usok… kumikembot-kembot… parang isang balerrina… paikot-ikot… banayad… paitaas… unti-unting maglalaho… parang pag-ibig…
“A cigarette is the perfect type of a pleasure… it is exquisite, and it leaves one unsatisfied… What more can one want?”
“Oscar Wilde…?”
Nabasa mo?
Sa magazine ng mga bading!
“Pare, masarap ka bang tsumupa?”
“Tang ina mo!”
‘Di ako madalas magmura… pero pagnagmura ako, malutong… Tagos hangang buto… seryoso… Ewan ko kung ano ang mas… ang magmura lang ng magmura—expression ba… or ang ganito sa akin…
“Ito naman, tinatanung ko lang… para naman di tayo magkaibigan…”
“Ewan ko… hindi siguro… ‘di ko kasi hilig… kung pwede nga ayokong bumababa…”
“Eh ano ginagawa n’yo… kinakantot ka lang niya sa pwet?”
“Minsan… pero hindi kasi ako nagpapakantot kung hindi pa ko masyadong nalilibogan… kailangan palibogin niya muna ko ng libog na libog…”
“Pa’no niya gagawin yun?”
“Hahalikan ako… tsutsupain niya muna ako… roromansahin hangang tumirik mata ko…”
“’Tang ina! Ikaw pa tsutsupain nung lalaki!”
“Hindi naman ako nakikipag-do sa lalaki…”
“Sa kapwa mo bading?”
“Na mukhang lalaki…”
“Macho gays? Kaygaganda ng katawan… batong-bato kung kumilos… ke-gwagwapo… ‘kala mo mabagsik… kung tumili pala…”
“Sa boung panahon na magkiabigan tayo, narinig mo na ba akong tumili?”
“Hindi pa?”
“Kasi hindi ako tumitili.”
“Yan ang gusto ko sa’yo… kahit bading ka ‘di mo pinapakitang bading ka…”
“Hindi ako nagtatago… tanongin man ako ng sino hindi ko ipagkakaila na bakla ako…”
“Nagkataon lang na malakas at matapang ka… mas matapang ka nga sa akin… mas matibay… kung sa akin nangyari yan… siguro ngayon nagpapakalunod na ko sa alak…”
“Gusto mo uminom?”
“Gusto mo?”
“Okay lang…”
“Okay, bili ako sa kanto ng bilog! Luto ka pulutan natin sa kusina, may cornbeef na maanghang, igisa mo!”
“Depress ako, paglulutoin mo pa ako!”
“Depress ka hindi lumpo! Ako na nga bibili! Abuso ka na niyan!”
Siya rin ang nagluto ng pagbalik niya’t nakita na hindi nga ako nagluto. At nagsimula kaming mag-inoman… Ginebra… Walang chaser kundi malamig na tubig… walang yelo… Yosi at cornbeef na maanghang…
“Ni minsan ba hindi mo ko pinagnasahan?”
‘Di pa siya lasing… ‘di kami basta-basta nalalasing… nasa dugo namin ang pagiging manginginom… Ang tatay niya namatay sa sobrang paginom ilang taon pa lang nakakaraan… Nasa dugo namin… Gusto niya lang may pagusapan… Ito ang basehan ng aming pagkakaibigan… pareho kaming madaldal… pareho kaming mahilig magpalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga bagay-bagay… pareho kaming mahilig magbasa… pareho kaming magaling makipagdebate… Yun lang, pagkatapos nun wala na… Kung iisipin nga, unlikely pair kami… lalo na’t may pagka-homophobic siya… at ako simpleng homo…
Una naming pagkakakilala pinaalam ko na sa kanya… nung una, ayaw niya sa akin… palagi kaming nagkakainitan ng ulo… Palagi naming sinasalungat ang isa’t isa… sa mga discusyon… sa mga usap-usapan ng barkada… Inamin niya sa akin… naging challenge sa kanya ang matalo ako parati… para mapalabas na wala akong kwentang kausap… walang kwentang kausap ang mga bakla… walang kwenta ang mga bakla at nakakasira lang sila… kami… sa una yun… ngunit unti-unti niyang natangap na hindi niya ko basta-basta matatalo… at nageenjoy siyang ako ang kadiscusyon… kausap… at may kwenta pala ako kahit bakla ako… ako lang… Kasi hangaang ngayon, wala pa rin kwenta at nakakasira lang ang mga bakla sa kanya…
“Hindi ka kanasa-nasa.”
“Tang ina mo, ‘di mo ko matitikman!”
“Kung balak kong tikman ka matagal na sana kitang natikman!”
Ilang beses na ba kaming nagtabing matulog… ilang beses na ba kaming nalango sa alak at basta na lang nakaidlip sa tabi ng isa’t isa… ilang beses na ba naming nakita ang isa’t isa na nakahubo… ilang beses na ba na nagkaroon kami ng pagkakataon…
Hindi ko siya type…
Hindi ko type ang lahat ng straight… Ang alam lang nila magpa-tsupa at kumantot… Wala na! Kahit pa gano kagwapo yan at ka-machong tunay… Di bale na lang!
“Ulol!”
Minsan, sinama ko siya sa Malate… Gay pride party nun… Naloka ang gago! Eh pa’no and inaakala niya na party-ing puno ng mga lalaking makapal ang make-up at nakadamit babae ay mali pala… Mas maraming matititpunong lalaki ang bumalandra sa kanya… na animo’y mga Adonis sa kikikisig… ‘Kala niya paglalawayan siya… ‘Yun pala…
“Tang ina, mga bakla yan!”
“Nakakaawa ang mga babae ‘no… yung mga lalaking kinababaliwan nila, mga lalaking habulin ng mga babae… nandito lahat… naghahanap ng masusuong itits…”
Successful ang gay pride party nang taong yun para sa akin…
Naubos ang isang bilog… okay pa kaming dalawa… para lang kaming uminom ng softdrinks… walang ka-epek-epek…
Alam ko kung lasing na siya… lumalaban na sa englisan… Magaling siyang mag-englis… naging editor yata yan ng school organ namin nun… kaya lang para sa kanya ang pag-amin mas mahusay pa siyang mag-inglis kesa sa magtagalog ay isang katangian dapat niyang ikahiya… dapat naming ikahiya…
Ako… matagal na akong inglisero… nangaling kasi ako sa isang pangmayamang eskwelahan nung elementary hangang highschool… Eto ang higit sa dahilan kung bakit hangang ngayon… sa mata niya burgis pa rin ako… at siya hindi, masa daw siya… ito kahit na sa kabila na siya man ay nakapagaral sa isang burgis na eskwelahan nung elementary at highschool… mas mahal nga lang ang tuition fee ng sa akin…
“Kamusta ang mga kaibigan mong Komunista? May balita ka ba sa kanila?”
Kaibigan lang niya… nakilala ko sila… naka-jamming… pero ‘di nila ako kaibigan… wala silang kaibigan burgis… Burgis daw ako at ang suot kung mga damit ay galling sa mga makakapitalistang bansa… Aminado ko dun, pero hindi nila alam na ang nanay ko ay nagpapakaalipin, inaalipin din sa bansang tinutukoy nila… OFW ang nanay ko kaya ang mga damit ko imported kasi dun siya nakakapamili… Wala naman akong pakialam… kaya ‘di ko rin dinepensa ang sarili ko sa kanila… minsan lang… ng mairita ang isa sa kanila ng minsan nakikipagpalitan ako ng kuro-kuro at englis ang gamit kung salita… Wala lang, sabi ko lang si Joma Sison… nasa Neatherlands, matagal na siya dun… wala lang…
At ‘di nasusukat ang pagka-pilipino sa kung ano ang salita mo… hindi ito a kasilangan ng isang pagiging Filipino… nasa kung ano ang nasa puso mo… Kung sakali mang nasa ibang bansa ako… sabihin na nating nasa Amerika ako… Mas maraming makakarinig, makakaintindi sa hinaing nating mga Filipino kung englis ang gamit ko sa pagbahagi sa kanila kesa mag-tagalog ako ng magtagalog!
“Wala na akong balita sa kanila…”
Siya… muntik ng mahikayat mamundok… Buti na lang naagapan ko… Buti na lang sumanguni muna siya sa akin… Gago ba siya… masarap mabuhay dito sa lunsod… masarap ang buhay namin… bakit niya ipupusta lahat nun sa isang bagay na di siya sigurado na may pagbabago ngang mangyayari…
“Matagal na nilang sinasabi na naghihirap ang Pilipinas… bata pa tayo naririnig na natin yan… ‘di pa tayo pinapanganak, yan na ang daing nila… ang hirap ng buhay dito sa Pilipinas, impyerno! Pero okay pa naman tayo… nakaranas ka na bang magutom dahil sa wala talagang makain, di pa naman di ba…”
“Hindi pa dahil maswerte tayo…”
“At sila minamalas, kasalanan pa ba natin yun? At sa tingin mo ba kung hindi nagsumikap ang mga magulang natin, ganito pa rin tayo? Kung yung nanay ko, sa tingin mo, hindi minatamis mag-abroad at sa mga ‘kano magpaalila, sa tingin mo… nakakapagaral kaya ako? Puro sila reklamo… walang makain, masyado silang mahirap… pero tignan mo kung ilan ang anak nila? Yan, yang mga yan ang pagtatayaan mo ng buhay?”
“Kahit kay Biltran…”
Si Biltran… makata at pintor… kumunista… unang pag-ibig ko… siya ang ‘di ko naligtas… Nakiusap… nagsumamo… pero mas mahal niya ang bayang ito… Sana ako rin daw… Huwag daw akong maging maramot sa bayang ito… Kung talagang mahal ko daw siya, mahalin ko rin daw ang mahal niya… at isakripsyo ang puso ko, ang puso namin, ang kaligayahan namin sa piling ng isa’t isa para dito… ‘Di na ko nagsalita… alam kong wala na akong masasabi pa na makakapigil sa kanya sa paganib…
“Ang hirap ano… ‘di mo alam kung buhay pa sila o napatay na sa enkwentro… ‘di natin alam kung nailibing ba sila ng mahusay o basta na lang tinapon ang mga bangkay nila kung saan… ang hirap… Minsan, kung naalala ko sila… ‘di ako makakain… iniisip ko kung sila ba nakakakain ba?”
“Kasalanan nila yun… pinili nila yang buhay na yan…”
“Mahal mo pa rin siya, alam ko…”
‘Di ko siya sinagot…
Napagod na ko sa kakaisip… napagod na kong umiyak… napagod na akong matakot… nakakapagod… Kung napatay na siya… ayoko na rin makita ang bangkay niya… sakali man… baka ‘di ako makapagpigil… nung umalis siya nun… ilang beses kong naisip na umanib na rin at mamundok… basta magkasama kami muli… bahala na… buti na lang naisip ko na ang nanay ko ay naghihirap sa ibang bansa at ang tanging magiging kunswelo niya mula sa akin ay ang diploma… Mahal ko si Biltran… ngunit di ko rin kayang kayang bigoin ang nanay ko…
Mistulang ulap… nandyan… unti-unti kumikilos… unti-unting nagbabago ng anyo… unti-unti mawawala… unti-unti, kailan ka huling nahiga sa damuhan para panoorin ang pamamasyal ng ulap sa langit? Ganyan din ang Pagibig… unti-unti… ‘di mo mapapansin… iba na pala ang anyo… minsan wala na pala…
“At ngayon… umibig kang muli… ngunit nabigo ka sa pagkakataon ito…”
“Nagkataon lang na di niya ko mahal… mabuti na rin yun… di niya ako niluko… di siya nagkunwari…”
“Pero masakit pa rin…”
Mistulang isang karayom unti-unting binabaon sa’yong balat… unti-unti… mabagal… matagal… kumikirot… kada unti-unting ulos… dahan-dahan… damang-dama… ang sakit… napakaliit ngunit mapapangiwi ka… unti-unti… mistulang karayom bumabaon sa iyung balat…
“Ikaw…? Kamusta na kayo ng syota mo? Kayo pa ba?”
“Kami pa naman… sa awa ng Dyos… nakakatiis pa naman… at sa mas malaking awa ng Diyos… di pa siya nabubuntis… baog yata ako,‘dre…?”
Natawa ko. Natawa din siya…
Minsan napagusapan naming ang tungkol sa bukas… At dun niya nasabi na si Mary Grace na nga ang kanyang gustong maging asawa, ina ng kanyang anak… Nasabi niya rin sa akin gusto na rin niyang magkaanak…
“Ikaw, wala ka bang balak magasawa… magkaanak…?”
“Pagkatapos ng lahat ng nakita ko sa pamilya ko… sa pamilya mo… sa pamilya ng iba pa nating kaibigan… sa tingin mo nanaisin kong magkaanak… ikaw, bakit gusto mong magkaanak…”
Halos pareho ang istorya ng buhay pamilya namin… hiwalay ang mga magulang… ang mga nanay naming nag-abroad… ang tatay ko ‘di ko na alam kung asan at ayaw ko na rin alamin… siya naman nagabroad din ang nanay niya, pero ‘di nagtagal… at ang tatay niya, tumandang lasingo… sa huli namatay sa alak… Pareho kaming lumaking halos walang magulang na gumagabay, at kahit gusto man ng magulang naming gabayan kami… ‘di nila kaya pagkat sarili nga nila ‘di maayos… at kami mismo ayaw namin… kasi kailangan naming matutuong lumaban mag-isa…
“Pag ako nagkaanak… sisiguradohin kung nandun ako para sa kanya… ‘di niya ko ikahihiya…”
“Our moms meant well… pero ganun pa rin… they end up screwing us… sa tingin mo… ikaw, ‘di ka magkakamali…?”
“Alam ko mahirap maging magulang… pero di ba masaya kung magkakaanak tayo?”
“Masaya…? magkano isang kilo ng bigas ngayon…? magkano ang pangmartikula ngayon…? magkano ang pamasahe sa dyip ngayon?”
“’Di mo alam kasi puro ka taksi.”
“At kung magkakaanak ako, di na ko muling makakasakay ng taksi!”
Ngayon nagpapasalamat siya at ‘di pa nagbubuntis si Mary Grace… at nagpapasana na baog nga siya…
“Ayoko ng uminom… uwi pa ko eh…”
“Eh ‘di ‘wag ka ng umuwi, tulog ka na dito…”
“May masama kang balak sa akin ‘no?”
“Ulol!”
Tawa lang ako… ‘di pa kasi siya nasanay sa akin… ‘di pa siya sanay na kahit anong mangyari pipilitin kong umuwi… uuwi talaga ako… kahit anong lasing ko… kahit gano kalayo… kahit anong oras… alam niya ‘to… ‘di ako natutulog sa ibang bahay… ‘di ako nakakatulog sa ibang bahay… kahit nung kami pa ni Biltran…
“Nabasa mo na ba yung Da Vinci Code?” tanong niya.
“Oo, nagdala minsan yung pinsan ko sa bahay… ayoko sanang basahin kasi I’m skeptic enough already at naiinis na ako sa masyado nitong pagkamedia savvy… parang ‘yung Purpose Driven Life…”
“Na parang naging “in” lang kaya nila binasa… pinagtuonan ng pansin… para maging “in” din sila… Nakakabwesit ano?”
Tumungo ako…
“Nabasa mo nga?”
“Oo, maganda naman… nagandahan naman ako… sa bilis ng istorya… nakornihan ako ng kounti sa ending… pero okay pa rin naman…”
“Eh ‘yung mga exposey ng libro…?”
“Interesante, pero ‘di naman importante… importante ba sa’yo?”
“Alam mo namang wala akong kabilib-bilib sa simbahan noon pa…”
“Eh, kay Jesus Christ?”
“Ewan ko, ayokong isipin… iniisip ko na lang wala akong ginagawang masama… wala akong inaagriabyado… wala akong inaapakan… ‘yun naman ang importante ‘di ba?”
“May problema ka nga ba kung nagkaasawa’t anak si Jesus?”
“Ayoko sabi isipin…”
“Ano pa bago mong libro?” tanong ko.
Madaming siyang libro… mahilig siyang bumili ng libro… habang ang ibang ka-edad namin nawiwili sa pagbili ng damit at kung ano-anong abobot… o ‘di kaya electronics—techie gadgets… cellphone… o ‘di kaya sa pambabae at gimik… siya sa bookstore napupunta halos lahat ng kinikita…
Tinuro niya ang salansan ng libro sa misita sa gilid ng kama niya…
Tinignan ko lang…
Natawa siya…
Pinabayaan ko lang siya…
“Depress ka nga!” conclusyon niya.
Ako naman ang natawa.
Mistulang payaso… makapal ang make-up… makulay na wig… makulay na damit… katawa-tawa… pulang pinta sa may bibig, nagpapakita ng malaking ngiti… mistula… mistula lang…
“Ang tagal na rin nating magkaibigan ano?” bigla, mula sa kawalan, sinabi niya.
Tumungo-tungo lang ako.
“Halika nga dito,” sabi niya sabay bangon sa pagkakasadlak niya sa sofa upang hilahin ako sa kanya… napasandig ako sa katawan niya at inikot niya ang braso niya sa aking leeg… “Best friend tayo ha, hangang huli…”
“Ang corny mo naman!” natatawa kong sabi na pilit kumakalas sa kanya.
“Seryoso ako!” sabi niya.
“Di ko naman sinabi na hindi, pero corny ka pa rin, mais na mais ba…”
“Corny na kung corny! Basta mangyari na ang mangyayari… tayo pa rin dalawa ang magdadamayan…”
“Dre uwi na ako, madrama ka na eh…”
“Ito! Sige na nga, uwi ka na! ‘di na kita hahatid, bahala ka na sa buhay mo! Masalubong ka man dyan ng adik sa kanto, wala akong pakialam!”
“Sabi mo lang yan, pero ‘di mo rin ako matitiis!”
“Ulol!”
Mistula…