Thursday, October 23, 2008

007. lumang sinehan part 1

Sa hirap ng buhay ngayon… “Mas mahal na ang mabuhay kesa sa buhay mismo…” Yan ang naringan ko sa akin ina nung nabubuhay pa siya… Hindi ko mapagtamto noon kung ano ang ibig niyang sabihin dun… Ngunit ngayon… parang naiintindihan ko na… Ang ibig niya yatang sabihin gagawin na ngayon ng ibang tao lahat basta mabuhay lang… kahit ano… magpainsulto, ipagbili ang dangal, kumitil ng buhay… para lang siya ay mabuhay… Siya man, ginawa ito… ng mabuntis siya at nagpahilot para malalag ang bata, at ng mabuntis muli ay ipagbili ang sangol sa isang mayamang mag-asawang walang anak… Masakit man para sa kanya ito… Kailangan mabuhay… kailangan naming mabuhay… Syete singkwenta na ang minimum na pamasahe sa dyip ngayon… ang isang daan, wala ng kwenta ngayon…

Dos mil-lima… Babae ang pangulo ng Pilipinas… sa kung ano man ang natitira dito… isang elitistang dating anak ng presidente… ekonomista, aral sa Tate… at sa pagkakaintindi ko, naging kaklase ng isang dating presidente ng Amerika… Ngayon nasasangkot sa isang skandalo… nandya daw siya kaya siya nanalo sa eleksyon… ang talaga raw at karapatdapat na naging presidente ay ang namayapang hari ng aksyon… may tape na makapagpapatunay daw nito… ngayon, kaliwa’t kanan ang bangayan… mula congreso hangang senado… mga kabinete nagresign at lumipat sa kabila… hangang kalye, rally dito, rally dun… trapik nanaman…

Syete singkwenta na ang pamasahe… kumakalam na ang sikmura mo kasi ‘di nakapagmeryenda… ‘di mo pa alam kung may madadatnan makakain paguwi… itutulog mo na lang… kesa mamroblema pa…

Pagproproblemahin mo pa… kung iisipin mo pa… ang hirap ng buhay… kung ganito na lang ba at kung pa’no ang bukas… lalamunin ka nito ng boung-bou… boung-bou, parang kumonoy… hangaang di ka na makahinga… hangaang nanaisin mo na lang na huwag ng huminga…

Manood ka na lang ng sine… sa may Cubao… dun sa lumang sinehan, wag na sa mall at mahal dun… pati sine ngayon… mahal na rin… sisenta’y uno pesos… pero mas mura ito kesa sa mall na umaabot ng hangaang isang daan… Luma na…pero pwede pa rin pagtyagaan… mainit sa loob… may sangsang ang hangin… ngunit ano na nga ba ang mabibili mo sa sisenta’y uno sa panahon ngayon…

Si Jake… tatlong daan ang pinakamababa niyang presyo…

Kababata ko si Jake… kaklase dati nung nagaaral pa kami… naging magkaibigan… ngunit di naglaon nawalan ng oras lalo na ng nagumpisa akong mag-trabaho pagkagradwayt ng high school at siya’y nagpatuloy sa kolehyo… angat siya sa amin… sa pananamit at sa pagdadala sa sarili… ultimo sa kagwapohan… maalaga sa pangangatawan, malinis… impluwensya marahil ng t’yahin niyang nagpalaki sa kanya… namatay ang nanay niya nung bata pa kami… sa Japan, biktima yata ng Yakusa… Dating hostes ang t’yahin niya… retirado na kasi tumanda na siya at marami ng mas bata, mas sariwa… kaya yun na lang ang pinagkakaabalahan niya… bugaw na siya ngayon… Kaya ‘di ko mainitindihan kung bakit si Jake, magara pa rin ang sout, mukha pa ring malinis at mabango… gwapo… sa pipitsuging sinehan ko natagpoan naglalako ng sarili… eh, may tiyahin naman siyang bugaw…

Nagkatinginan kami… parehong gulat… umiwas ng tingin… at lumayo sa isa’t isa… nahihiya marahil… ako man nahiya… ewan ko kung bakit… nandun lang naman ako para manood ng sine, wala na… O, sige na… yun lang ang sabi ko sa sarili… manonood lang ako ng sine… pero kung may tumabi na at humipo… okay lang… binata naman ako… lalaki ako… may libog sa katawan… at masarap yun…

Masarap yun… wala nino man maipagkakaila nun… lalo na’t magaling ang gumagawa sa’yo nun… hindi na importante kung ano ang kasarian, kahit nga itsura, ng bibig na subo ang ano mo… basta magaling maglumikot ang dila niya at kayang sumisid ng kahit gaano kalalim… masarap yun… ipikit mo na lang ang mga mata mo… at dam’hin ang ligaya’t init…

Sa mga pinakamadidilim na sulok ng lumang sinehan na yun sa Cubao, ganun ang eksena… uupo ka, mag-isa… bigla na lang may tatabi sa’yo… ‘kala mo lalaking lalaki… barako nga kung minsan… magtataka ka kung bakit pinili niyang umupo sa tabing-tabi mo gayong marami naman bakanteng upoan… marami, mas marami kasi ang pinipiling tumayo na lang, akyat panaog… tapos… dahan-dahan… may takot ang iba, may kaba… pero lahat sila suko na sa libog na kanilang nararamdaman… minsan dahil sa’yo, mas madalas dahil tigang na sila… malambing na umpogan ng braso… minsan… daliring waring nakalugay lang at nagkataon andun ang binte mo… titingin-tingin… makikiramdam, kung okay lang… kung gusto mo ba… o magkano siguro sa kagaya ni Jake… magkakatinginan… minsan ngingiti, minsan parang nagsusumamo… ako, okay lang… lalo na kung walang kwenta ang palabas… at higit sa madalas… walang kwenta ang palabas sa lumang sinehan na ‘yun sa Cubao kahit sa tulad kong mababa lang ang pinagaralan at walang alam sa technical na aspeto sa pag-gawa ng pelikula…

“Tol,” dantay ng kamay sa balikat mula sa likod… pagtingin ko, si Jake… “Uwi ka na?” tanong niya…
“Oo, pare,” sagot ko, “kaw?”
“Oo din, sabay na tayo.”
Sabay kaming naglakad pababa ng hagdan, at paglabas ng gate… umuulan… malakas ang buhos… malamig ang ihip ng hangin… nanunuot sa buto… nagpapaantok sa mga mata… nagpapaalala na pagod ka na… mapagmamasdan mo ang malalaking patak ng ulan… parang crystal na natatamaan ng mga ilaw, masasayang ilaw ng Cubao na lumanlam dahil na rin sa ulan… Maalala mo ang tuwa n’yo nung mga bata pa kayo kung ganitong malakas ang ulan… hubo’t hubad na nagtatakbohan, may tuwa sa mga labi… may ngiti sa mga mata… na parang ito na ang langit… ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay n’yo… kailan nawala yun… kailan nagbago ang lahat… kailan nangyari na ang pag-ulan ay nagsasanhi ng pagkabahala at pangamba…
Napatingin ako kay Jake… Ang gwapo talaga niya… ang kisig ng porma… ang ganda ng tindig niya… Napatingin siya sa akin… Ngumiti… “Tara ‘tol, may na-iscore ako kanina… malaki-laki rin… libre kita dun sa mamihan… takbohin na lang natin…” Tumungo na lang ako… “Tara!” tumakbo na lang siya… sa ilalim ng ulan… sumonod ako… para ulit nung bata kami… ang pakakaiba nga lang… tumatakbo kami para mabilis kaming makaahon sa kabila at ‘di na dahil sinasalubong ang ulan… tumatakbo kami ng may suot na, dati wala… ano na kaya itsura niya ng hubo’t hubad…
Dalawang mami… dalawang softdrinks… pamintang durog… hot sauce… Umuusok ang sabaw… mapapaso ang dila mo… matutunaw ang sipon mo, mararamdaman mo na lang ang likodong aagos palabas ng iyung ilong… tissue, nakakhiya naman dito sa dati kong kaibigan… dati kong kababata… na kailan lang kasama kong naliligo sa ulan ng hubo’t hubad… magara na siya ngayon… at may pera para manlibre ng mami… mura lang ang mami… walang isang daan ang lahat ng inorder namin… pero may panlibre pa rin siya…
“Tol, ako pa rin ‘to…” sabi niya pagkatapos kumain… binasag ang katahimikan sa aming pagitan habang kumakain at hangaang maubos ang aming tig-isang order ng mami… at ngayon nag-totooth pick, nakatingin sa ibaba…
Hindi ako kumibo… Hindi ko maintindihan…
“Sana intindihin mo… ako pa rin naman ito… ang best friend mo…” ‘Di pa rin ako kumibo… at naalala ko… oo nga pala… minsan, nung mga bata pa kami… nagsabihan kami na tinuturing namin ang isa’t isa na best friend… yung parang sa komersyal ng ice cream…
Dalawang batang lalaki… lilipat na ng bahay ang pamilya ng isa… at bago umalis, tinanong nung isang bata dun sa kaibigan niya kung sino ang best friend niya dun, dun sa lilipatan nila… sagot ng bata, “Syempre, ikaw lang…” kamusta na kaya silang dalawa… mag-best friend pa kaya sila hangaang ngayon…?
Kami, ako naging isang factory worker… siya naging callboy… Mga matrona’t bakla nagpapasasa sa katawan niya… sinilip niya ko ng pailalim… Ngumiti ako sa kanya… “Sana di na tayo lumaki ‘no?”
Sinuklian niya ako ng ngiti…
Ngunit lumaki kami… tumanda… nalantad sa lupit ng aming realidad… Na ang ulan pala’y nagdudulot ng baha… na pwedeng humantong ito sa bagyo… na pwedeng maghatid ng sakit… sakit na kung pwede tiisin na lang…
Buti na lang may sine… at may lumang sinehan na mura lang… buti na lang at kahit paminsan-minsan pwede kang tumakas sa realidad ng kahirapan… sa masakit na realidad ng walang kasigurohan…
Ganun din ba sa kanya ang lumang sinehan…? Pagtakas o pagharap sa realidad ba ang kung bakit nandun siya?
Kung iisipin pa, lalamunin ka nito ng boung-bou… at para sa ano? Ito pa rin ang realidad na aming sisilayan pagtapos ng ulan… sa pagsikat ng araw kinabukasan… Nginitian ko siya…
Ngumiti din siya…
Ngitian kami… at nauwi ito sa tawa… na nauwi sa halakhak…

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home