| |
|
010. lumang sinehan part 4
Malakas pa ang ambon ng magpasya kaming umalis na sa mamihan para umuwi… Maligalig pa rin ang Cubao… sa gitna ng dilim at mga malamlam na ilaw nito, pansinin mo ang pagbubunye niya… sapagkat sa kanyang yakap ang maralitang tao’y umaasa… nangangarap… humihingi ng awa… Ang Cubao… saan mo man ibaling ang iyung tingin makakakita ka ng kwento… minsan masaya, minsan malungkot… ang iba’y romantiko, subalit sa iba’y pagkabigo… sari-saring mukha… sari-saring lakad… lahat katotohanan… wala ni bahid kasinungalingan… Sinulyapan ko si Noni na kasabay kung naglalakad ng nakayokod… sinulyapan din niya ko… ngumiti… masarap may kasama habang naglalakad sa ilalim ng ulan…
Kamusta na kaya si Alan…?
Huwag daw sana akong maramot… yun ang sabi niya nung huli kaming magusap… nung huli kaming magaway…
Sari-saring mukha, sari-saring lakad… lahat katotohanan…
Wala lang akong kayang ibigay… hindi siya… hindi ang relasyon namin… kung karamotan man yun… iyun ay dahil ayaw ko siyang mawala…
At unti-unti na siyang nawawala… naagwa na siya sa akin ng mga taong ito sa Cubao—ang maralitang Filipino—na siyang nais niyang ipaglaban… ng pangarap na bukas para sa ating bansa… upang sa pader bumanga… kailangan ng pagbabago, sigaw ng kanyang puso… kung hindi tayo, sino? Kung hindi ngayon kailan?
Gusto ko siyang intindihin… gusto ko siyang samahan… gusto ko rin naman ng mga gusto niya… maralita rin naman ako… at isa rin ako sa mga pilipinong ginagago ng mga politikong polpul na yan… Ngunit nais ko rin naman marinig ang puso niyang ang pangalan ko ang sinisigaw… nais ko rin maramdaman na kailangan niya ako… na gagawin din niya lahat para sa akin… sa akin lang… hindi ang bukas… hindi para sa mga api… hindi para sa pagbabago na inaasam ng madami… ako lang… bakit hindi niya kayang ibigay yun…
Bakit hindi niya kayang huminto sandali… unahin ang sarili… siya… ako… kaming dalawa…?
Kalabisan bang matatawag ‘yun…?
Wala na akong kayang ibigay… kung wala ka ng kayang ibigay… karamotan bang matatawag ‘yun?
Ako man, naagawa na rin sa kanya… unti-unti nawawala… ng ritmiko ng buhay… ng tawag ng laman… ng katahimikan… ng dilim… ng sarap ng buhos ng ulan…
At ng ngiti ng aking kababatang matagal na nawalay…
Sari-saring mukha, sari-saring lakad… lahat basa… lahat pagod sa maghapon paghahanap buhay… lahat nagmamadali ng umuwi… may mga tao din nun lang magsisimula ang kanilang umaga… sa dilim sila’y nagiging anino… sa mga anino, ipagbibili ang sarili… Iba talaga ang Cubao…!
“Tara ‘tol!” tawag sa akin ni Noni, nagmamadaling lumakad papunta sa isang dyip na huminto… nagbabakasakaling maunahanang iba sa pagsakay bago pa ito mapuno… sinundan ko siya… at kunting ayos, kunting pipi sa pagkakaupo… kahit masikip… kahit hindi na komportable… ayos na rin… ang importante makauwi na… ng sa piling ng mga mahal sa buhay makapag-ipon ng lakas para sa bukas na darating at darating sa ayaw man natin o gusto… handa man tayo o hindi…
Ngiti sa mga labi ang tanging consolasyon… ang premyo… ng lahat-lahat… sapat na yun…
“Tol o,” tabig sa aking braso ni Noni, inaabot ang maliit niyang dimpo, “punas ka, maya niyan magkasakit ka pa…”
Ang tanging consolasyon… premyo… sapat na yun… para tayo’y humarapuli ng may sigla sa bukas… kahit alam natin gaano ito kahirap… kahit alam natin halos hindi na natin kaya… kahit alam natin wala ng pagasa… isang ngiti mo lang… at ako’y muling aasa…
Wakas Labels: lumang sinehan
009. lumang sinehan part 3
Sabi nila ang sino mang lalaking pumatol sa kapwa niya lalaki, lalo na’t kung siya’y nasiyahan at nagustohan ito, ay bakla…
Ano nga bang masama sa pagiging bakla?
Nasa Biblia daw ‘yun… masama daw yun… marumi… nakakapandiri… sa mata ng Diyos… Nasa lumang tipan ‘yun… nabasa ko… hindi ko nga lang matandaan kung saan eksakto…
Ang lalaki daw ay ginawa para sa babae… sandali, baligtad yata… Si Eba ay ginawa para may makasama si Adan… hinugot sa datyang ng natutulog na si Adan… para yatang naging kunswelo lang si Eba sa nalulungot na Adan… Sandali, tinanong ba ng Diyos si Adan kung babae ba ang gusto niyang makatuwang sa paraiso? Ay, malamang hindi… kasi siya ang Diyos at siya ang masusunod sa ayaw o gusto…
Magtiwala lang tayo sa Diyos…
Naiisip ko rin ang mga ‘to… madalas paguwi ko galing ng lumang sinehan na yun sa Cubao… habang naghihintay makatulog… minsang susumpa na hindi na muli… ngunit muli matatagpoan ko ang sarili ko sa loob ng sinehang yun na nagbabaubaya…
Masarap lang talaga yata ang bawal…
Minsan nangangatwiran ako… lalaki ako… kailangan ko yun… kesa naman mangrape ako… buti na yun… ‘di ba kasalanan din daw ang magsalsal magisa?
Wala naman akong inaapakan na tao… wala aking sinasaktan… wala akong tinatarantado… wala akong pinipilit… kung ano lang ang meron… kung ano lang ang binibigay… yun lang ang aking kinukuha…
Kesa naman kumuha ako ng babae… tapos mabubuntis… problema ko na nga ang bukas… mandadamay pa ako ng inosente… hindi ba mas malaking kasalanan ‘yun…?
Ang mga tao sa sinehan… nangailangan lang… nandun ako… nagdamayan lang kami… sa gitna ng pangungulila… sa gitna ng kalungkotan… sa gitna ng desperasyon… sa gitna ng libog… Libog… ‘di sinasadya… bigla na lang dumadating… bigla na lang nararamdaman… pigilan man ito… huwag pansinin… mangungulit… wala na tayong magagawa pa dun… kundi pagbigyan ito… sumuko dito at bigyan laya ang mga sarili… kahit sa iilang sandali lang…
Sino ba ang nagsulat ng Bibilia?
At pagtapos na ang buhay pagharap sa Diyos upang ako’y husgahan… ano nga ba?
Masasabi ko kaya sa kanya na ang nais ko lang ay manood ng sine?
O ‘di kaya’y tumugon lang ako sa hinihingi ng aking katawan…?
Maiintindihan kaya niya…?
Iintindihan kaya niya ako…?
Bakit hindi… kung ako nga pilit ko Siyang iniintindi sa kapalaran ibinigay niya sa akin…? Kung bakit madaming nagugutom? Kung bakit kung sino ang marangal ay siyang nagugutom at si congressman ay nagpapasasa sa rangya dahil sa mga kasinungalingan niya? Kung bakit ang iba ay mayroon sobra-sobra sa pangangailangan nila at ang karamihan ay wala man lang maiahin sa kanilang mga hapag? Bakit hindi niya ako iintindihan sa kakaounting kaligayahang pinagkakaloob ko sa sarili… gayong kung tutuusin hindi ko ito kontrolado… libog lang…
Sabi rin nila mapagpatawad ang Diyos…
Si Jake kaya… naiisip niya rin kaya ito…?
Sa hirap ng buhay ngayon… mas mahal na ang mabuhay kesa sa buhay… masisi ba natin siya… masisi ba siya ng Diyos…?
Sa luma’t kinakalwang na dyip… sa malapit sa mabahong creek… nung kami mga bata pa… ako at Jake… dun madalas maglaro… tumambay… magpalipas ng oras… habang ang ibang kabataan tulad naming ay nanonood o nakikinood sa TV ng kabitbahay… kaming dalawa… nandun sa dyip na ‘yun… Hindi alintana ang amoy burak na galling sa creek, marahil nasanay na kami…
Sa luma’t kinakalawang na dyip na ‘yun minsan nagdala si Jake ng dalawang stick ng sigarilyo… kinupit sa kaha ng sigarilyo ng kanyang t’yahin at posporo… “Tikman natin…” udyok niya… at sinindihan nga namin, tig-isa kami… naubo sa unang hit-hit… nahilo ng kaunti… ‘Di kami nasiyahan… lalong naging palaisipan tuloy sa amin kung bakit naninigarilyo ang mga tao…
Nakatikim na si Jake ng beer at kung ano-ano pang alak… pinatikim siya ng t’yahin niya… pati ako, napatikim na rin ng t’yahin niya… pero yung talagang inom upang kami ay malasing at hindi lang basta para matikman… dun sa luma’t kinakalawang na dyip din namin ginawa… isang ginebra… isang baso… mani ang pulutan… Si Jake, bigo sa unang pag-ibig… pinahiya sa harap ng iba naming kaklase… Mahiya naman daw siya, may kaya yung kaklase naming yun… at hindi daw siya papatol sa isang tulad ni Jake na galing eskwater… Hindi nga siya pumatol sa galing eskwater… pero bago pa kami nakagradwayt sa highschool nabuntis na siya at ang ama ay isang adik sa druga…
At sa luma’t kinakalwanag na dyip din yun… isang gabi… nagtanong si Jake pagkatapos ng mahabang pananahimik at malalim na pagiisip… “Pre, madalas ka bang mag-dyakol?”
Diretso at may paghahamon niyang tanong… nabigla ako… muntik ng matawa sa pagkabigla ko… saka nahiya… titig pa rin sa akin si Jake… matalas… andun pa rin ang paghahamon… seryoso siya… nais niyang malaman… Matalik kaming magkaibigan… sabay kaming lumaki… sabay kaming nagpatuli… pero ni minsan bago yun, di kami naguusap ng tungkol sa seks… nun lang… ewan ko ba kung bakit, eh natural lang naman yun sa dalawang lalaking nagbibinata…
Naghihintay siya ng sagot… nandun pa rin ang kanyang hamon…
Bakit ako mahihiya… bakit ako tatangi sa hamon…?
“Halos gabi-gabi pare… bago matulog…” seryoso kung sagot, “ikaw ba?” balik hamon ko… “Paminsan-minsan lang pre…” payak niyang sagot.
Nahiya na tuloy ako.
Magkaharap kami… nakasandal… nakabukaka… nasa labas ang tingin niya… ako minamasid siya… “Ano ba ‘to?” Tanong ko sa loob ko…
“Ano ang nasa isip mo habang ginagawa mo yun?” seryoso niyang tanong. “Bakit bigla kang nagtatanong?” balik tanong ko.
“Wala, kyurus lang… huwag mong sagotin kung ayaw mo.” “Hindi ano… sino…” sagot ko. “Sino?” tanong niya. “Yung mga artistang nagbobold…” sagot ko, “ikaw ba?” “Paminsan-minsan ko nga lang ginagawa yun,” sagot niya na parang napipika. “Paminsan-minsan nga pero ginagawa mo pa rin,” pilit ko. “Huwag nanating pagusapan pare, please…” sagot niya, sabay aalis na napigilan ko lang. “O saan ka pupunta,” awat ko sa kanya, “ikaw magsisimula ng usapan, mapipikon ka…” Bumalik siya sa pagkakasandal… balisa pa rin…
Tahimik…
‘Di ko mainitindihan… May dapat bang intindihin…? Ano ba ang nangyayari…?
“Pre, dyakol tayo,” bigla niyang sabi.
Muntik na akong matawa… akala ko biro… pero ni hindi siya nakangisi… seryoso siya sa suhestyon niya… at parang naghahamon…
“Saan? Dito?” tanong ko… handang tangapin ang hamon niya.
Tinaas niya ang t-shirt niya saka pinasok ang daliri sa garter ng short niya… hinila pababa… dali pati ang sout niyang brip… lumantad sa aking harapan ang kanyang matigas ng ari… inumpisahan na niya itong himasin… habang titig na titig sa akin… pinapanood ang aking pagkagulat… ang aking pagkapahiya… naghahamon pa rin… Luminga-linga ako… baka ka ‘ko may ibang taong makakita… ng wala akong makita sa paligid… lumipat ako sa tabi niya… binuksan ko ang maong na short na aking sout at nilabas na rin ang aking pagkalalaki… inumpisahan himasin habang pinapanood ko ang paghimas ni Jake sa kanyang ari… ganun din siya… nakatingin siya sa paghimas ko sa aking ari…
Wala kaming kiboan… binaba ng tuloyan ni Jake ang sout niyang short pambasketball, kasama ang kanyang brip…
Malaki ang kay Jake… ngunit ‘di naman pahuhuli ang sa akin… matigas na matigas ang kanya habang hinihimas… natutukso akong makihawak… at ganun din pala siya pagkat bigla na lang pinaalis niya ang aking kamay sa pagkakahawak sa ari ko at pinalit ang sa kanya… ganun din ang ginawa ko… pinaalis ang kanyang kamay para ako ang bumayo sa kanya…
Kapwa na kami haling sa kapwa sarap ng pagbayo naming sa isa’t isa… napapasinghap… ang sarap…! Sabi ko nga halos gabi-gabi akong nagsasalsal… gamit ang sariling kamay… pero iba pala pag ibang kamay ang sumasalsal sa’yo… iba pala ang kung sa iba ang sinasalsal mo… mas masarap… ilang ulit na mas masarap… naisandal ko ang ulo ko sa braso niya… siya din, sinadig niya ang ulo niya sa ulo ko… wala pa ring kiboan… sinalsal lang namin ng sinalsal ang isa’t isa…
Ramdam ko ang lalong pagtigas at wari paglaki pa niya… ang pagunat lalo ng kalamnan niya… ang mga hita niya… malapit na siya… ako man… ramdam ko na malapit na malapit na ako… alam ko ilang taas-baba na lang niya ng kamay, ay sasabog na ako…
Napapaungol na siya…
Ako nakapikit…
Tuloy pa rin kami sa pagsalsal sa isa’t isa…
Umuuga na ang boung dyip…
At ‘di na makaya pang pigilan ni Jake… ako man hindi na… halos maghihiyaw na kaming dalawa habang taas-baba pa rin kami ng taas-baba ng mga kamay sa kapwa tiga na tigas ng sandata ng isa’t isa… sandali na lang… sandaling sandali na lang… at ayun na…
Halos sabay kaming nilabasan… at pagtapos ay pareho rin kaming wari sapong-sapo…
Wala pa rin kaming kiboan…
Ilang sandali pa… inalis ni Jake ang suot niyang t-shit ng tuloyan… at nagulat na lang ako ng gamit ang sariling t-shirt inumpisahan niya akong linisan… pinahid maigi at tinuyo niya ang aking katawan ng mga katas kung tumalsik…
Wala pa rin kiboan…
Pagkatapos ko… siya naman ang nagpunas sa sarili… at ng malinis na siya… tinaas na niya ulit ang kanyang sout na brip at shorts… saka sumandal muli siya…
Wala pa rin kiboan…
Ilang sandali pa… “Pre, uwi na ko…” paalam niya.
Hindi na siya naghintay ng sagot… hindi siya nagtatanong… sinabi niya lang…
Tumungo lang ako… naiwan mag-isa dun sa luma’t kinakalawang na dyip na yun… ‘di gumagalaw… wari naparilasa ang boung katawan… nakatingin sa malayo… hindi malaman… pero meron akong nadama… ayokong tangapin… ngunit meron…
Labels: lumang sinehan
008. lumang sinehan part 2
Unang pagkikita palang… nagkasalubong… nagtama ang mga mata… ang kanyang matang malamlam… nahihiya… may lungkot… may kaba… Bago lang siya… first time, naisip ko… nakabasa marahil ng isang kwento sa alin mang babasahing pang-bading… Naikwento ng isang kaibigan… ganun din ako, nung una akong makapasok sa sinehan ito… narinig din at nabasa sa mga kwento-kwento… Huminga ng malalim, ipinagkaila sa sarili na gusto ko nga itong maranasan, umaasa na baka dun ko siya matagpoan… kinumbinsi ang sarili na manonood lang ako ng sine… wala na…
Natagpoan ako… tumabi ng upo… sinamahan… humipo… naglumikot… halik ng isang anino… ilang saglit pa’y sumisinghap na ang isa’t isa sa labis na sarap na pinapalasap… sa isang sulok… madilim… kapwa lang kami anino… halos limot na ang pelikulang palabas…
Nung una nangako ako sa aking sarili na hindi na babalik… hindi na uulit… naransan ko na, tama na ang minsan… tama na… masakit din isipin kasi na pinagamit ko lang ang aking katawan… parang napakarumi ko… ang dumi-dumi ko… Ngunit muli kong natagpoan ang sarili ko sa lumang sinehan na yun… muli… naging t’wina…
Parang bata pagtapos ng ulan… lupa na nagiging putik, sa kanyang mga kamay… nagiging kung ano-ano… lililok ng kung ano-ano, himenasyon lang ang limita… masarap maglaro ng putik…
Sa gitna ng palabas at dilim ng sinehan… mga anino’y paroo’t parito… akyat-baba… mga mata’y nagtatama… walang halos usap… uupo, magkatabi… ingatan ‘wag masyadong umongol at makatawag pansin… kahit alam naman ng lahat na nandun kung ano ang katotohanan… na wala naman talagang pumapasok dun dahil lang sa maganda ang palabas…
Hindi ko na mabilang kung ilang kamay at labi na ang dumapo sa aking katawan… sa aking maseselang parte ng katawan… ilang anino na ang yumoko para samyohin ang aking pagkalalaki… ilang ulit, ilan na ba sila…? Marahil ‘di na importante ‘yun… marahil, ano pa nga ba ang mapapala kung pilit bilangin pa sila… pilit alalahanin sila… halos parepareho naman ang kwento… halos pare-pareho naman ang gawi… kung iisipin nakakabagot… nakakasawa… nakakasawa na nga… pero muli at muli, natatagpoan ko na lang ang sarili ko na bumibili ng ticket para makapasok sa lumang sinehan na yun… ano pa man ang palabas, hindi na importante…
Sa tingin ko, hindi na importante… bakit pa?
Libog lang… Lang?
‘Di ako nagpapabayad ngunit may nagaabot… minsan naman’y kailangan… Bakit ako tatangi sa grasya?
May handang gumastos dahil sa libog… Paglingon ko, sa kung anong kadahilanan ba kung bakit ako lumingon, hindi ko maalala, nagtama ang aming mga patingin… nakilala ko siya, at alam ko nakilala niya rin ako… dagling iniwasang tingin… tapos lumayo… Si Noni yun… kapitbahay naming at kababata ko… Buking! Sandali, ano rin nga bang ginagawa niya rito? Nanonood ng sine? Nanonood lang? Pwede… pwedeng siya lang ang tao dun sa loob ng sinehang ‘yun na nandun dahil sa palabas at hindi dahil sa kung ano pa man…
Paglingon ko, sa kung anong kadahilanan ba kung bakit ako lumingon, hindi ko maalala, nagtama ang aming mga patingin… nakilala ko siya, at alam ko nakilala niya rin ako… dagling iniwasang tingin… tapos lumayo… Si Noni yun… kapitbahay naming at kababata ko… Buking! Sandali, ano rin nga bang ginagawa niya rito? Nanonood ng sine? Nanonood lang? Pwede… pwedeng siya lang ang tao dun sa loob ng sinehang ‘yun na nandun dahil sa palabas at hindi dahil sa kung ano pa man…
Sandali, ano rin nga bang ginagawa niya rito?
Nanonood ng sine? Nanonood lang? Pwede… pwedeng siya lang ang tao dun sa loob ng sinehang ‘yun na nandun dahil sa palabas at hindi dahil sa kung ano pa man…
Ngunit pwede rin na may mga bagay na ‘di siya alam sa kababata… tulad ng siya man ay walang kaalam-alam na ganito pala ako…
Ano kaya ang iniisip niya sa akin? Nandiri kaya siya? Naalibadbaran…? Naalala ang mga pinaggagawa naming nun sa abandonado’t kinakalawang na dyip sa may malapit sa creek nung mga bata pa kami? Ang pagsalsal ko sa kanya, at pagsalsal niya sa akin, bigla niya kayang naalala lahat ng ‘yun at nilagyan ng kulay?
Sabagay, totoo naman… ‘Yung akala niyang trip-trip lang namin ‘yun nun na dala ng kuryosidad ay may ibang kulay talaga sa akin… ngunit ngayon, pa’no na…?
Magalit kaya siya sa kanyang mga mapagtatamto…?
Magkapitbahay kami, ilang magkakadikit na bahay lang ang pagitan namin, ngunit bakit parang matagal na kaming hindi nakapagkita…? Kamusta na kaya siya…? Ano na nga ba ang pinagkakaabalahan niya, trabaho? Huling balita ko ay hindi na siya nakapag-aral pagtapos ng high school… wala silang pera para matustusan pa yun kaya nagtrabaho na lang siya… pagtapos nun wala na akong alam… nakakahiya, naging matalik pa naman kaming magkaibigan… ano ba ang nangyari…? Ano ba ang napagabalahan ko at ni minsan hindi ko man lang siya nakamusta sa mga nagdaan taon…?
Ah… si Alan… si Alan ang pinagkakaabalahan ko…
Na sa unang pagkakita ko pa lang sa kanya… nung magtama ang aming mga mata… dito rin, palabas ako nun at siya’y papasok, alam ko na… naramdaman ko bigla… siya na nga… na gusto ko na siya… simula nun… ang kanyang mga malamlam na mga mata na may halong hiya, kaba, at takot… simula nun… ayoko na siyang pakawalan…
Sinundan ko siya… umupo sa tabi niya… naramdaman kong naasiwa siya… Alam ko first time niya dito… At ayaw ko siyang daanin sa dating gawi… iba siya para sa akin… ayaw kong maging tulad siya ng iba at ako ay ganun din sa kanya—mga aninong libog lang sa dilim…
Hinintay ko siyang tumingin…
Naramdaman niya ang aking titig… nilabanan ‘wag tumingin… ngunit sa huli nabigo siya… Ngumiti ako sa kanya… sinuklian niya ako ng ngiming ngiti at tumingin na ulit sa harap, sa palabas…
“First time mo dito ‘no?” bulong ko sa kanya.
Marahan siyang lumingon sa akin muli habang tumutungo.
“Jake,” abot ko ng kamay.
Inabot niya ang kanyang kamay, pero hindi nagsalita kaya napilitan akong tanongin ang kanyang pangalan, “Ikaw, ano pangalan mo?”
“Huwag kang magalala, nakikipagkaibigan lang ako… wala akong masamang balak at wala akong ipagpipilitang ayaw mo…”
Ngumiti siya, habang binabawi ang kanyang kamay, at manood ulit ng palabas.
Si Alan, dalawang taong mas bata sa akin… estudyante… kumukuha ng kursong nursing sa isang unibersidad sa may U-belt… Nangungupahan ng isang maliit na silid sa malapit sa kanyang eskwelahan… tubong Laguna… anak ng isang guro at karaniwang empleyado ng isang banko… Naikwento niya na komportable naman ang naging buhay nila… ngunit ‘di naman sila mayaman… pilit lang nilang pinagkakasya ang kung ano ang meron… ginagapang ang araw-araw… makaraos lang… basta andyan ang isa’t isa… okay na rin…
Naging magkaibigan kami… pinilit ko siyang maging kaibigan… at sa huli naman ay ‘di na niya ko nakayang itaboy sa buhay niya…
Binuksan ko din sa kanya ang libro ng aking buhay… ang aking ina na ‘di ko na halos matandaan ang itsura pagkat namatay daw ito nung bata pa ko sa Japan… Si T’ya na itunuring akong tunay na anak at siyang nagtagoyod sa akin sa pamamagitan ng pabenta sa sarili at nung tumanda ay magbenta ng mga mas batang babae…
Kasabay ng paglagok ng red horse, pareho naming kinalkal at nilahad ang lahat-lahat… sa kung ano kami… sa kung bakit kami naging ganun… ang aming mga pangamba… ang aming mga mithi… toyo sa utak… at kung ano-ano pa…
Sinabi niya sa akin natatakot daw siya…
Ako man, natatakot din…
Natatakot akong hindi maging sapat… natatakot akong baka magkamali ako… natatakot akong baka masakatan ko siya… natatakot akong mangako at baka hindi ko ito matupad…
Sumipa na ang pulang kabayong aming iniinom… kaming dalawa lang sa kanyang maliit na silid… tinitigan niya ko sa mata… tumitig din ako sa kanya… binawi… dinantay ang ulo niya sa aking balikat, “Natatakot ako ngunit masaya ako na nandyan ka…” sabi niya.
Ginagap ko ang kanyang kamay… hinaplos-haplos… ang kalyo sa kanyang daliri na gawa ng ballpen… sinamyo ko ang kanyang buhok… hinalikan… at muli hinagkan… bumaba sa kanyang punong tinga… hawak ko pa rin ang kanyang kamay… ‘di siya nagpahiwatig ng pagtutol… at mula sa kanyang tenga, gumapang ang aking halik sa kanyang labi…
Masuyo… may lambing… marahan… nakikiusap… ang aking labi sa kanyang labing mamasa-masa dahil sa beer… Unti-unti, sa pamamagitanng aking dila, sinusisian ang kanyang bibig… napakapit siya sa aking braso… niyakap ko siya… ang aming mga katawan, naglapat… dama ko na gusto niya rin ito…
Ginapang ko ang aking kamay sa kanyang katawan… natagpoan ang dulo ng kanyang suot na t-shirt… ipinasok ang aking kamay dun upang ang kanyang balat mismo ang aking madama… inakyat ko ang aking kamay, tungo sa kanyang dibdib… hinanap ang kanyang utong… pinaikot-ikot ang isang daliri doon…
Kapwa nakapikit, bukang-buka na ang kanyang mga labi’t malaya na ang aking dila’ng nakikipaglaro sa kanyang dila… nalulumikot, waring mauubosan… ‘di ko na mamalayan naitaas na rin niya ang sout kong t-shirt at dinadama ang aking katawan tulad ng aking ginagawa sa kanya…
Sandaling humiwalay ang kanyang labi sa aking labi upang tuloyang mahubo niya ang t-shirt ko… nang matapos ay muling naglapat ang aming mga labi… sandali lang… at unti-unti na siyang bumaba… sa aking baba… sa aking leeg… kumaliwa, tungo sa aking tenga… naglumikot ang kanyang dila doon… bumaba muli sa aking leeg… pababa… sa aking utong… sinipsip… kinagat-kagat… masuyong tinulak ako upang mahiga sa kama…
Napapakunot ang aking noo sa tuwing kinakagat niya ang aking kaliwang utong… masakit ito… sakit na mabilis gumagapang sa bou kong katawan… ngunit sa kung anong kadahilanan, kahit na masakit, dama ko ang kalakip nitong sarap… gumapang ang kanyang halik pakanan sa aking dibdib upang sa kabilang utong ko naman maglaro… ganun din ang kanyang ginawa… dinilaan, sipsip, kinagat… ramdam ko ang labis na pagsisikip sa aking pantalon…
Hinila ko ang sout niyang t-shirt paitaas upang ito’y hubarin na sa kanya… habang ang isa niyang kamay ay nakapatong sa gitna ng aking pantalon, dinadama ang aking katigasan… iniwan niya ang aking dibdib… at mabagal na nilakbay ng kanyang halik ang aking t’yan… pababa sa aking pusod… nilawayan niya ito sa pamamagitan ng kanyang dila… saka hinigop… paulit-ulit, habang binubuksan ang aking pantalon… hinila ang aking sout na biref at pinasok ang kanyang kamay upang ako’y mahawakan… bumangon ako sandali upang mahubad ng tuloyan ang aking pantalon… Nagkatitigan… muli naglapat ang aming mga labi… sandali lang… paghubad ko ng pantalon, pinahiga niya muli ako at sinimulan ang pagsamyo sa akin…
Pinalakad niya muna ang kanyang dila sa mga gilid… pababa… sa aking singit… pailalim… tapos inakyat niya ang dila niya sa gitna ng dalawang bola… pataas… tinuntuon ang aking kahabaan… hangang sa pinaka-ulo… sa butas upang tikman ang aking paunang katas… at muli bumaba… nagpasyang paglaroan ang dalawang bola…
Napapasinghap ako… wari mababaliw… napapaungol sa kakaibang kiliting kanyang pinadarama sa aking sa pamamagitan ng paglulumikot ng kanyang dila… ang pagsimsim sa dalawa kong itlog sa loob ng kanyang bibig… at ng tinuntuon ulit nito ang aking kahabaan… at pagdating sa pinakaulo ay isubo… napakapit na ako sa balikat niya… unti-unti, isinubo niya ng boung bou ang aking pagkalalaki… unti-unti hangang ang kanyang ilong ay dumikit na sa buhok na nakapalibot dun… at nagsimula ng magtaas-baba ang kanyang ulo…
Marami na ang aking nakaniig… marami na ang kumain sa aking ng boung-bou… marami na… maraming marami na… hindi ko na mabilang… tinigilan ko ng magbilang… iba’t ibang pangalan… iba’t ibang itsura… iba’t ibang trip sa kama… iba’t ibang drama… marami na… di ko na nga mabilang… tinigilan ko ng magbilang… basta kinakalimutan ko na lang pagkatapos…
Marami na… ngunit ng gabing yun… dulo’t marahil ng red horse na aming ininom… pakiramdam ko yun ang una ko… parang ung kanta ni Madonna: “Like a Virgin”…
Marami na… ngunit kay Alan ko lang nadama kung paano ba talaga ang makipagtalik… sa kanya ko lang naramdaman ang pagnanais ibigay sa kanya lahat at alam ko na kahit na maibigay ko na ang lahat ay hindi pa rin magiging sapat…
Marami na… ngunit sa kanya ko lang ninais huwag ng matapos ang lahat… na huminto na ang pagtakbo ng panahon… at hayaan na lang kaming ganun panghabang buhay… sa kanya lang…
Marami na… ngunit sa kanya lang…
Ang bawat halik… ang bawat yakap… ang bawat paglalapat ng aming mga katawan… parang nun lang… may ibang kulay… mas may ibayong lakas… galak… kasiyahan…
Mula nun ‘di ko ninais mabuhay ng wala siya… mula nun, hindi ko na matandaan angkung paano ako nabuhay bago ko siya nakilala… mula nun… alam ko… hindi ko na makakayang mabuhay na wala siya… na siya na ang buhay ko… siya lang ang buhay ko…
Ngumiti sa aking si Noni pagkatapos naming kumain ng mainit na mami… sa kanyang mga ngiti na kita ko, para niyang sinasabi na wala sa kanya lahat… na okay lang kahit ano pa ako… magbest friend kami… kahit matagal na di nagkita’t nagkamustahan… kahit ‘di nanamin kilala ang isa’t isa… kahit ano pa ang naging kami… mag best friend kami… yun lang ang dapat intindihin dun… yun lang at wala na… at wala akong dapat ipangamba…
Labels: lumang sinehan
007. lumang sinehan part 1
Sa hirap ng buhay ngayon… “Mas mahal na ang mabuhay kesa sa buhay mismo…” Yan ang naringan ko sa akin ina nung nabubuhay pa siya… Hindi ko mapagtamto noon kung ano ang ibig niyang sabihin dun… Ngunit ngayon… parang naiintindihan ko na… Ang ibig niya yatang sabihin gagawin na ngayon ng ibang tao lahat basta mabuhay lang… kahit ano… magpainsulto, ipagbili ang dangal, kumitil ng buhay… para lang siya ay mabuhay… Siya man, ginawa ito… ng mabuntis siya at nagpahilot para malalag ang bata, at ng mabuntis muli ay ipagbili ang sangol sa isang mayamang mag-asawang walang anak… Masakit man para sa kanya ito… Kailangan mabuhay… kailangan naming mabuhay… Syete singkwenta na ang minimum na pamasahe sa dyip ngayon… ang isang daan, wala ng kwenta ngayon…
Dos mil-lima… Babae ang pangulo ng Pilipinas… sa kung ano man ang natitira dito… isang elitistang dating anak ng presidente… ekonomista, aral sa Tate… at sa pagkakaintindi ko, naging kaklase ng isang dating presidente ng Amerika… Ngayon nasasangkot sa isang skandalo… nandya daw siya kaya siya nanalo sa eleksyon… ang talaga raw at karapatdapat na naging presidente ay ang namayapang hari ng aksyon… may tape na makapagpapatunay daw nito… ngayon, kaliwa’t kanan ang bangayan… mula congreso hangang senado… mga kabinete nagresign at lumipat sa kabila… hangang kalye, rally dito, rally dun… trapik nanaman…
Syete singkwenta na ang pamasahe… kumakalam na ang sikmura mo kasi ‘di nakapagmeryenda… ‘di mo pa alam kung may madadatnan makakain paguwi… itutulog mo na lang… kesa mamroblema pa…
Pagproproblemahin mo pa… kung iisipin mo pa… ang hirap ng buhay… kung ganito na lang ba at kung pa’no ang bukas… lalamunin ka nito ng boung-bou… boung-bou, parang kumonoy… hangaang di ka na makahinga… hangaang nanaisin mo na lang na huwag ng huminga…
Manood ka na lang ng sine… sa may Cubao… dun sa lumang sinehan, wag na sa mall at mahal dun… pati sine ngayon… mahal na rin… sisenta’y uno pesos… pero mas mura ito kesa sa mall na umaabot ng hangaang isang daan… Luma na…pero pwede pa rin pagtyagaan… mainit sa loob… may sangsang ang hangin… ngunit ano na nga ba ang mabibili mo sa sisenta’y uno sa panahon ngayon…
Si Jake… tatlong daan ang pinakamababa niyang presyo…
Kababata ko si Jake… kaklase dati nung nagaaral pa kami… naging magkaibigan… ngunit di naglaon nawalan ng oras lalo na ng nagumpisa akong mag-trabaho pagkagradwayt ng high school at siya’y nagpatuloy sa kolehyo… angat siya sa amin… sa pananamit at sa pagdadala sa sarili… ultimo sa kagwapohan… maalaga sa pangangatawan, malinis… impluwensya marahil ng t’yahin niyang nagpalaki sa kanya… namatay ang nanay niya nung bata pa kami… sa Japan, biktima yata ng Yakusa… Dating hostes ang t’yahin niya… retirado na kasi tumanda na siya at marami ng mas bata, mas sariwa… kaya yun na lang ang pinagkakaabalahan niya… bugaw na siya ngayon… Kaya ‘di ko mainitindihan kung bakit si Jake, magara pa rin ang sout, mukha pa ring malinis at mabango… gwapo… sa pipitsuging sinehan ko natagpoan naglalako ng sarili… eh, may tiyahin naman siyang bugaw…
Nagkatinginan kami… parehong gulat… umiwas ng tingin… at lumayo sa isa’t isa… nahihiya marahil… ako man nahiya… ewan ko kung bakit… nandun lang naman ako para manood ng sine, wala na… O, sige na… yun lang ang sabi ko sa sarili… manonood lang ako ng sine… pero kung may tumabi na at humipo… okay lang… binata naman ako… lalaki ako… may libog sa katawan… at masarap yun…
Masarap yun… wala nino man maipagkakaila nun… lalo na’t magaling ang gumagawa sa’yo nun… hindi na importante kung ano ang kasarian, kahit nga itsura, ng bibig na subo ang ano mo… basta magaling maglumikot ang dila niya at kayang sumisid ng kahit gaano kalalim… masarap yun… ipikit mo na lang ang mga mata mo… at dam’hin ang ligaya’t init…
Sa mga pinakamadidilim na sulok ng lumang sinehan na yun sa Cubao, ganun ang eksena… uupo ka, mag-isa… bigla na lang may tatabi sa’yo… ‘kala mo lalaking lalaki… barako nga kung minsan… magtataka ka kung bakit pinili niyang umupo sa tabing-tabi mo gayong marami naman bakanteng upoan… marami, mas marami kasi ang pinipiling tumayo na lang, akyat panaog… tapos… dahan-dahan… may takot ang iba, may kaba… pero lahat sila suko na sa libog na kanilang nararamdaman… minsan dahil sa’yo, mas madalas dahil tigang na sila… malambing na umpogan ng braso… minsan… daliring waring nakalugay lang at nagkataon andun ang binte mo… titingin-tingin… makikiramdam, kung okay lang… kung gusto mo ba… o magkano siguro sa kagaya ni Jake… magkakatinginan… minsan ngingiti, minsan parang nagsusumamo… ako, okay lang… lalo na kung walang kwenta ang palabas… at higit sa madalas… walang kwenta ang palabas sa lumang sinehan na ‘yun sa Cubao kahit sa tulad kong mababa lang ang pinagaralan at walang alam sa technical na aspeto sa pag-gawa ng pelikula…
“Tol,” dantay ng kamay sa balikat mula sa likod… pagtingin ko, si Jake… “Uwi ka na?” tanong niya… “Oo, pare,” sagot ko, “kaw?” “Oo din, sabay na tayo.” Sabay kaming naglakad pababa ng hagdan, at paglabas ng gate… umuulan… malakas ang buhos… malamig ang ihip ng hangin… nanunuot sa buto… nagpapaantok sa mga mata… nagpapaalala na pagod ka na… mapagmamasdan mo ang malalaking patak ng ulan… parang crystal na natatamaan ng mga ilaw, masasayang ilaw ng Cubao na lumanlam dahil na rin sa ulan… Maalala mo ang tuwa n’yo nung mga bata pa kayo kung ganitong malakas ang ulan… hubo’t hubad na nagtatakbohan, may tuwa sa mga labi… may ngiti sa mga mata… na parang ito na ang langit… ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay n’yo… kailan nawala yun… kailan nagbago ang lahat… kailan nangyari na ang pag-ulan ay nagsasanhi ng pagkabahala at pangamba… Napatingin ako kay Jake… Ang gwapo talaga niya… ang kisig ng porma… ang ganda ng tindig niya… Napatingin siya sa akin… Ngumiti… “Tara ‘tol, may na-iscore ako kanina… malaki-laki rin… libre kita dun sa mamihan… takbohin na lang natin…” Tumungo na lang ako… “Tara!” tumakbo na lang siya… sa ilalim ng ulan… sumonod ako… para ulit nung bata kami… ang pakakaiba nga lang… tumatakbo kami para mabilis kaming makaahon sa kabila at ‘di na dahil sinasalubong ang ulan… tumatakbo kami ng may suot na, dati wala… ano na kaya itsura niya ng hubo’t hubad… Dalawang mami… dalawang softdrinks… pamintang durog… hot sauce… Umuusok ang sabaw… mapapaso ang dila mo… matutunaw ang sipon mo, mararamdaman mo na lang ang likodong aagos palabas ng iyung ilong… tissue, nakakhiya naman dito sa dati kong kaibigan… dati kong kababata… na kailan lang kasama kong naliligo sa ulan ng hubo’t hubad… magara na siya ngayon… at may pera para manlibre ng mami… mura lang ang mami… walang isang daan ang lahat ng inorder namin… pero may panlibre pa rin siya… “Tol, ako pa rin ‘to…” sabi niya pagkatapos kumain… binasag ang katahimikan sa aming pagitan habang kumakain at hangaang maubos ang aming tig-isang order ng mami… at ngayon nag-totooth pick, nakatingin sa ibaba… Hindi ako kumibo… Hindi ko maintindihan… “Sana intindihin mo… ako pa rin naman ito… ang best friend mo…” ‘Di pa rin ako kumibo… at naalala ko… oo nga pala… minsan, nung mga bata pa kami… nagsabihan kami na tinuturing namin ang isa’t isa na best friend… yung parang sa komersyal ng ice cream… Dalawang batang lalaki… lilipat na ng bahay ang pamilya ng isa… at bago umalis, tinanong nung isang bata dun sa kaibigan niya kung sino ang best friend niya dun, dun sa lilipatan nila… sagot ng bata, “Syempre, ikaw lang…” kamusta na kaya silang dalawa… mag-best friend pa kaya sila hangaang ngayon…? Kami, ako naging isang factory worker… siya naging callboy… Mga matrona’t bakla nagpapasasa sa katawan niya… sinilip niya ko ng pailalim… Ngumiti ako sa kanya… “Sana di na tayo lumaki ‘no?” Sinuklian niya ako ng ngiti… Ngunit lumaki kami… tumanda… nalantad sa lupit ng aming realidad… Na ang ulan pala’y nagdudulot ng baha… na pwedeng humantong ito sa bagyo… na pwedeng maghatid ng sakit… sakit na kung pwede tiisin na lang… Buti na lang may sine… at may lumang sinehan na mura lang… buti na lang at kahit paminsan-minsan pwede kang tumakas sa realidad ng kahirapan… sa masakit na realidad ng walang kasigurohan… Ganun din ba sa kanya ang lumang sinehan…? Pagtakas o pagharap sa realidad ba ang kung bakit nandun siya? Kung iisipin pa, lalamunin ka nito ng boung-bou… at para sa ano? Ito pa rin ang realidad na aming sisilayan pagtapos ng ulan… sa pagsikat ng araw kinabukasan… Nginitian ko siya… Ngumiti din siya… Ngitian kami… at nauwi ito sa tawa… na nauwi sa halakhak…
Labels: lumang sinehan
|
|