Thursday, October 23, 2008

009. lumang sinehan part 3

Sabi nila ang sino mang lalaking pumatol sa kapwa niya lalaki, lalo na’t kung siya’y nasiyahan at nagustohan ito, ay bakla…

Ano nga bang masama sa pagiging bakla?

Nasa Biblia daw ‘yun… masama daw yun… marumi… nakakapandiri… sa mata ng Diyos… Nasa lumang tipan ‘yun… nabasa ko… hindi ko nga lang matandaan kung saan eksakto…

Ang lalaki daw ay ginawa para sa babae… sandali, baligtad yata… Si Eba ay ginawa para may makasama si Adan… hinugot sa datyang ng natutulog na si Adan… para yatang naging kunswelo lang si Eba sa nalulungot na Adan… Sandali, tinanong ba ng Diyos si Adan kung babae ba ang gusto niyang makatuwang sa paraiso? Ay, malamang hindi… kasi siya ang Diyos at siya ang masusunod sa ayaw o gusto…

Magtiwala lang tayo sa Diyos…

Naiisip ko rin ang mga ‘to… madalas paguwi ko galing ng lumang sinehan na yun sa Cubao… habang naghihintay makatulog… minsang susumpa na hindi na muli… ngunit muli matatagpoan ko ang sarili ko sa loob ng sinehang yun na nagbabaubaya…

Masarap lang talaga yata ang bawal…

Minsan nangangatwiran ako… lalaki ako… kailangan ko yun… kesa naman mangrape ako… buti na yun… ‘di ba kasalanan din daw ang magsalsal magisa?

Wala naman akong inaapakan na tao… wala aking sinasaktan… wala akong tinatarantado… wala akong pinipilit… kung ano lang ang meron… kung ano lang ang binibigay… yun lang ang aking kinukuha…

Kesa naman kumuha ako ng babae… tapos mabubuntis… problema ko na nga ang bukas… mandadamay pa ako ng inosente… hindi ba mas malaking kasalanan ‘yun…?

Ang mga tao sa sinehan… nangailangan lang… nandun ako… nagdamayan lang kami… sa gitna ng pangungulila… sa gitna ng kalungkotan… sa gitna ng desperasyon… sa gitna ng libog…
Libog… ‘di sinasadya… bigla na lang dumadating… bigla na lang nararamdaman… pigilan man ito… huwag pansinin… mangungulit… wala na tayong magagawa pa dun… kundi pagbigyan ito… sumuko dito at bigyan laya ang mga sarili… kahit sa iilang sandali lang…

Sino ba ang nagsulat ng Bibilia?

At pagtapos na ang buhay pagharap sa Diyos upang ako’y husgahan… ano nga ba?

Masasabi ko kaya sa kanya na ang nais ko lang ay manood ng sine?

O ‘di kaya’y tumugon lang ako sa hinihingi ng aking katawan…?

Maiintindihan kaya niya…?

Iintindihan kaya niya ako…?

Bakit hindi… kung ako nga pilit ko Siyang iniintindi sa kapalaran ibinigay niya sa akin…? Kung bakit madaming nagugutom? Kung bakit kung sino ang marangal ay siyang nagugutom at si congressman ay nagpapasasa sa rangya dahil sa mga kasinungalingan niya? Kung bakit ang iba ay mayroon sobra-sobra sa pangangailangan nila at ang karamihan ay wala man lang maiahin sa kanilang mga hapag? Bakit hindi niya ako iintindihan sa kakaounting kaligayahang pinagkakaloob ko sa sarili… gayong kung tutuusin hindi ko ito kontrolado… libog lang…

Sabi rin nila mapagpatawad ang Diyos…

Si Jake kaya… naiisip niya rin kaya ito…?

Sa hirap ng buhay ngayon… mas mahal na ang mabuhay kesa sa buhay… masisi ba natin siya… masisi ba siya ng Diyos…?

Sa luma’t kinakalwang na dyip… sa malapit sa mabahong creek… nung kami mga bata pa… ako at Jake… dun madalas maglaro… tumambay… magpalipas ng oras… habang ang ibang kabataan tulad naming ay nanonood o nakikinood sa TV ng kabitbahay… kaming dalawa… nandun sa dyip na ‘yun… Hindi alintana ang amoy burak na galling sa creek, marahil nasanay na kami…

Sa luma’t kinakalawang na dyip na ‘yun minsan nagdala si Jake ng dalawang stick ng sigarilyo… kinupit sa kaha ng sigarilyo ng kanyang t’yahin at posporo… “Tikman natin…” udyok niya… at sinindihan nga namin, tig-isa kami… naubo sa unang hit-hit… nahilo ng kaunti… ‘Di kami nasiyahan… lalong naging palaisipan tuloy sa amin kung bakit naninigarilyo ang mga tao…

Nakatikim na si Jake ng beer at kung ano-ano pang alak… pinatikim siya ng t’yahin niya… pati ako, napatikim na rin ng t’yahin niya… pero yung talagang inom upang kami ay malasing at hindi lang basta para matikman… dun sa luma’t kinakalawang na dyip din namin ginawa… isang ginebra… isang baso… mani ang pulutan… Si Jake, bigo sa unang pag-ibig… pinahiya sa harap ng iba naming kaklase… Mahiya naman daw siya, may kaya yung kaklase naming yun… at hindi daw siya papatol sa isang tulad ni Jake na galing eskwater… Hindi nga siya pumatol sa galing eskwater… pero bago pa kami nakagradwayt sa highschool nabuntis na siya at ang ama ay isang adik sa druga…

At sa luma’t kinakalwanag na dyip din yun… isang gabi… nagtanong si Jake pagkatapos ng mahabang pananahimik at malalim na pagiisip… “Pre, madalas ka bang mag-dyakol?”

Diretso at may paghahamon niyang tanong… nabigla ako… muntik ng matawa sa pagkabigla ko… saka nahiya… titig pa rin sa akin si Jake… matalas… andun pa rin ang paghahamon… seryoso siya… nais niyang malaman…
Matalik kaming magkaibigan… sabay kaming lumaki… sabay kaming nagpatuli… pero ni minsan bago yun, di kami naguusap ng tungkol sa seks… nun lang… ewan ko ba kung bakit, eh natural lang naman yun sa dalawang lalaking nagbibinata…

Naghihintay siya ng sagot… nandun pa rin ang kanyang hamon…

Bakit ako mahihiya… bakit ako tatangi sa hamon…?

“Halos gabi-gabi pare… bago matulog…” seryoso kung sagot, “ikaw ba?” balik hamon ko…
“Paminsan-minsan lang pre…” payak niyang sagot.

Nahiya na tuloy ako.

Magkaharap kami… nakasandal… nakabukaka… nasa labas ang tingin niya… ako minamasid siya… “Ano ba ‘to?” Tanong ko sa loob ko…

“Ano ang nasa isip mo habang ginagawa mo yun?” seryoso niyang tanong.
“Bakit bigla kang nagtatanong?” balik tanong ko.

“Wala, kyurus lang… huwag mong sagotin kung ayaw mo.”
“Hindi ano… sino…” sagot ko.
“Sino?” tanong niya.
“Yung mga artistang nagbobold…” sagot ko, “ikaw ba?”
“Paminsan-minsan ko nga lang ginagawa yun,” sagot niya na parang napipika.
“Paminsan-minsan nga pero ginagawa mo pa rin,” pilit ko.
“Huwag nanating pagusapan pare, please…” sagot niya, sabay aalis na napigilan ko lang.
“O saan ka pupunta,” awat ko sa kanya, “ikaw magsisimula ng usapan, mapipikon ka…”
Bumalik siya sa pagkakasandal… balisa pa rin…

Tahimik…

‘Di ko mainitindihan… May dapat bang intindihin…? Ano ba ang nangyayari…?

“Pre, dyakol tayo,” bigla niyang sabi.

Muntik na akong matawa… akala ko biro… pero ni hindi siya nakangisi… seryoso siya sa suhestyon niya… at parang naghahamon…

“Saan? Dito?” tanong ko… handang tangapin ang hamon niya.

Tinaas niya ang t-shirt niya saka pinasok ang daliri sa garter ng short niya… hinila pababa… dali pati ang sout niyang brip… lumantad sa aking harapan ang kanyang matigas ng ari… inumpisahan na niya itong himasin… habang titig na titig sa akin… pinapanood ang aking pagkagulat… ang aking pagkapahiya… naghahamon pa rin…
Luminga-linga ako… baka ka ‘ko may ibang taong makakita… ng wala akong makita sa paligid… lumipat ako sa tabi niya… binuksan ko ang maong na short na aking sout at nilabas na rin ang aking pagkalalaki… inumpisahan himasin habang pinapanood ko ang paghimas ni Jake sa kanyang ari… ganun din siya… nakatingin siya sa paghimas ko sa aking ari…

Wala kaming kiboan… binaba ng tuloyan ni Jake ang sout niyang short pambasketball, kasama ang kanyang brip…

Malaki ang kay Jake… ngunit ‘di naman pahuhuli ang sa akin… matigas na matigas ang kanya habang hinihimas… natutukso akong makihawak… at ganun din pala siya pagkat bigla na lang pinaalis niya ang aking kamay sa pagkakahawak sa ari ko at pinalit ang sa kanya… ganun din ang ginawa ko… pinaalis ang kanyang kamay para ako ang bumayo sa kanya…

Kapwa na kami haling sa kapwa sarap ng pagbayo naming sa isa’t isa… napapasinghap… ang sarap…! Sabi ko nga halos gabi-gabi akong nagsasalsal… gamit ang sariling kamay… pero iba pala pag ibang kamay ang sumasalsal sa’yo… iba pala ang kung sa iba ang sinasalsal mo… mas masarap… ilang ulit na mas masarap… naisandal ko ang ulo ko sa braso niya… siya din, sinadig niya ang ulo niya sa ulo ko… wala pa ring kiboan… sinalsal lang namin ng sinalsal ang isa’t isa…

Ramdam ko ang lalong pagtigas at wari paglaki pa niya… ang pagunat lalo ng kalamnan niya… ang mga hita niya… malapit na siya… ako man… ramdam ko na malapit na malapit na ako… alam ko ilang taas-baba na lang niya ng kamay, ay sasabog na ako…

Napapaungol na siya…

Ako nakapikit…

Tuloy pa rin kami sa pagsalsal sa isa’t isa…

Umuuga na ang boung dyip…

At ‘di na makaya pang pigilan ni Jake… ako man hindi na… halos maghihiyaw na kaming dalawa habang taas-baba pa rin kami ng taas-baba ng mga kamay sa kapwa tiga na tigas ng sandata ng isa’t isa… sandali na lang… sandaling sandali na lang… at ayun na…

Halos sabay kaming nilabasan… at pagtapos ay pareho rin kaming wari sapong-sapo…

Wala pa rin kaming kiboan…

Ilang sandali pa… inalis ni Jake ang suot niyang t-shit ng tuloyan… at nagulat na lang ako ng gamit ang sariling t-shirt inumpisahan niya akong linisan… pinahid maigi at tinuyo niya ang aking katawan ng mga katas kung tumalsik…

Wala pa rin kiboan…

Pagkatapos ko… siya naman ang nagpunas sa sarili… at ng malinis na siya… tinaas na niya ulit ang kanyang sout na brip at shorts… saka sumandal muli siya…

Wala pa rin kiboan…

Ilang sandali pa… “Pre, uwi na ko…” paalam niya.

Hindi na siya naghintay ng sagot… hindi siya nagtatanong… sinabi niya lang…

Tumungo lang ako… naiwan mag-isa dun sa luma’t kinakalawang na dyip na yun… ‘di gumagalaw… wari naparilasa ang boung katawan… nakatingin sa malayo… hindi malaman… pero meron akong nadama… ayokong tangapin… ngunit meron…



Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home