013. nakpil st cor taft ave
Makulimlim pa ang langit, basa ang simoy ng hangin… nakakubli pa rin ang mga bituin… Katatapos lang ng ulan… may ginaw pa ring bumabalot sa kapaligiran…
Nakakalibog!
Ang sarap makipag-ano pag ganito ang panahon…
Pero alas-kwatro na ng umaga. Madaming nagkatypo sa akin nun dun sa bar… pero parang wala ako sa kondisyon… wala sa mood… Ganado ako nung papapunta pa lang ako… excited… matagal-tagal din bago ako muling nakagimik… siguro may isang taon na ang nakaraan ng huli akong nagawi sa Malate… pero ewan ko ba… pagpasok ko dun sa bar, ilang sandali lang… parang biglang ayaw ko na… biglang na wala ang gana ko at wari nadidismaya… madami namang mga gwapo … mukhang masarap kahalikan… mukhang magaling tsumupa… mukhang may ipagyayabang… mukhang tatagal…
Shit!
Biglang wala yata ako sa kondisyon… at kahit gwapo na yung nagpapakita ng motibo… eh parang walang appeal sa akin…
‘Di naman ako dating ganito… game nga kung game ako eh… pero ano ba ‘to? ‘Di pwedeng sawa na ako… sabi ko nga… ngayon nga lang ulit ako gigimik eh… at may isang lingo akong walang nakaseks… Tumatanda na kaya ako…? Lintik na yan, beinte sais lang ako…
Nag-c.r. ako… nagdadalawang isip na umuwi na lang…pero may sumunod sa akin… tumayo siya sa tabi ko… pinapanood akong umihi… titig na titig sa aking uten… at ng tignan ko ang mukha niya… tumingin din siya at nakipagtitigan… gwapo siya… sandali pang titigan… inabot na niya ako at simulang himas-himasin… pinabayaan ko lang siya… sumandal na lang ako sa pader… at binaba na niya ang ulo niya upang ako’y sambahin… ilang sandali pa…
Sandaling katahimakan… nalunod ang lahat… napapikit… inimpit ang ungol… pinigil ang paghinga… Glorya!
Alas kwatro ng umaga… at isang gwapong lalaking ‘di kilala… nagpasya akong taposin na ang gabi…
Sa panulokan ng Taft Avenue at Nakpil St. sa gilid ng unibersidad na dati pambabae lang… dun… dun kami nagkatagpo… ng kasinungalingan at ng sinungaling dahil sa karuwagan… ng pag-ibig at ng realidad ng buhay… ng kalungkotan at ng isang butil ng pagasa…

Sitsit… napalingon ako… isang anino sa dilim… lalaki… ngumiti siya sa akin… ‘di ko siya pinansin at nagpatuloy sa paghihintay ng mailap na dyip tungo sa Cubao…
Kolboy…? Matagal ng balita na pugad ng kolboy ang gilid na yun ng unibersidad… Holdaper…?
Unti-unti ang lalaki’y humakbang palabas mula sa dilim na kanyang kinakublihan mula sa malamlam na ilaw ng poste… papalapit sa akin… nilingon ko siya… ngumiti nanaman siya…
“Saan ka galing?” tanong niya...
Hindi ako sumagot...
“Gumimik?” hula niya…
‘Di pa rin ako umimik…
Alas kwatro ng umaga… tulog pa ang karamihan… sa mangilan-ngilan, pagabi pa lang… dalawang tao… dalawang lalaki… sa panulokan ng Taft at Nakpil… malalam pa rin ang kalangitan… may ginaw ang simoy ng hangin… ang mga bituin na animo’y mga mata ng anghel ay nakakubli pa rin…
“May yosi ka?” tanong ulit ng lalaki.
Dumukot ako sa likod na bulsa ng aking pantalon… nilabas ang isang kahang paubos na… inabotan siya ng isa… natuwa siya… ang kanyang ngiti na kanina pa matamis ay lalong tumamis… ngunit wala siyang lighter, kanyang naalala… “Lighter, meron ka?” tanong ulit niya na may pagkakamot pa ng ulo.
Nilabas ko ang lighter ko at sinindihan… nilapit sa yosi na nakaipit na sa kanyang mga labi…
“Salamat…” sabi niya.
Nginitian ko lang siya pagtapos ay tumingin na sa malayo…
Dalawang estranghero… sa gitna ng dilim at kalungkotan ng gabi… sa kahabaan ng Taft Avenue at kahirapan ng buhay… sa tagal ng paghihintay… sa kakangarap ng bukang liwayway… mga paniniwalang kailangan paniwalan pagkat ito ang buhay… at kailangan mabuhay…
“Saan ang punta mo?” tanong ulit niya sa halinhinang hithit-buga.
Tinignan ko lang siya.
Sinusukat… ang aming pagkakaiba… at ang aming pagkakatulad… hinahanap ang saan kung pwede kaming magtagpo… sa paniniwalang ako’y nasa pedestal at siya’y nababalutan ng putik…
Ayokong maputikan…
Nakakapandiri ang putik… mabaho… walang kwenta…
At ang sino mang magnanais maglumonoy dito ay walang pinagkaiba sa isang hayop… baboy!
“Cubao…” sagot ko.
“Isama mo ‘ko…” may pagsusumamo ang kanyang tinig.
Tinignan ko siya… may halong pangungutya…
“Isama mo ‘ko…” sumamo niya ulit… hindi alintana ang insultong nangaling sa aking mga mata… marahil sa kakapalan ng putik sa kanyang katawan… hindi na siya tinatablan ng kung ano pa… umiling ako, sabay hakbang palayo… iniwan ang lalaki… ng lingonin ko siya ulit… pabalik na siya sa dilim na kanyang kinakukublihan…
Sa dilim…
Parepareho tayong tao... magkakapatid sa mata ng Diyos... parehong Pilipino... paano natin naatim na ang isa sa atin ay nabubuhay sa dilim...?
Bigla akong nahiya sa sarili… sa pagiging mapagmataas… sa panghuhusga sa kapwa…
At naisip… kung putik din lang naman sa mukha ang paguusapan… may putik din ako sa mukha… ako’y nakikipagtalik din naman kung kanikanino ng walang karason-rason kundi dahil sa kahinaan ko sa tawag ng laman… Siya’y napupulapolan lang naman ng putik sa mukha pagkat ito lang ang tangi niyang alam gawin para mabuhay…
Kailangan mabuhay…
Hindi titigil ang ikot ng mundo dahil sa habag o kawalan ng pagasa…
Natigilan ako… dumokot sa bulsa… tinignan ang wallet… at dagling naglakad pabalik sa pinangalingan… at ng makarating, inikot ang mata… natigilan… sa dilim ang lalaki’y nakayuko… naramdaman ko kanyang kawalan ng pagasa… nagumpisang umambon muli…
Huminga ng malalim… saka naglakad papalapit sa lalaki…
Tinignan niya ako…
“Wala akong masyadong pera, at di ko kailangan ng serbisyo mo…” sabi ko… yumuko muli siya, “pasensya na…” sabay abot sa kanyang kamay ng isang daang piso, “pagdamotan mo na lang sana ang kounting tulong na ito…” saka, tumalikod na para umalis…
“Di ako kolboy,” narinig kong sabi niya…
Humarap ako sa kanya.
“Pero salamat…”
Ngumiti ako at muli aalis na sana.
“Kailangan mo na ba talagang umalis?”
Tinignan ko lang siya.
“Maguumaga na kasi… umaambon pa… dyan lang ang tinitirahan ko… baka gusto mong magkape muna tayo…?” mungkahi niya, “may isang daan ako dito,” biro pa niya.
Natawa ako ng mahina.
Maliit… pero maayos… malambot ang kama… may maliit na TV… VCD player… mga pirated VCD… may mga librong nagkalat, estudyante, naisip ko… inabotan niya ako ng isang tasang mainit na tubig saka isang sachet ng 3-in-1 coffee mix…
Nakaupo ako sa kama, at siya’y nakaharap sa akin na nakaupo sa study table niya… lumalagok ng mainit na kape…
“Yosi?” tanong niya.
Ilalabas ko na sana ang yosi ko pero naunahan niya akong maglabas mula sa drawer.
Binuksan niya ang bintana… saka umopo muli sa study table, kaharap ako.
“Nagtataka ka kung ano ginagawa ko dun sa kanto…” panghuhula niya.
‘Di ako kumibo.
“Taga saan ka?” tanong niya saka lumipat ng upo sa kama.
“Pasig,” sagot ko.
“Ang layo…” sabi niya.
“Mag-isa ka lang gumimik?” tanong niya ulit.
Tumungo-tungo ako.
“Kaya mo yun?”
Ngumiti lang ako.
“Ikaw ba nahihiya lang o di ka lang talaga madaldal?” tanong niya.
Lalo akong nangiti.
Ngumiti din siya.
Tumayo siya, nilapag ang kape sa table, saka dumungaw sa bintana.
“Ang lungkot ano…?”
“Ang alin?” tanong ko.
“Ang gabi…”
‘Di ulit ako kumibo.
Nagiisip kung ano ba ang drama niya sa buhay…
“Nagsinungaling ako kanina…” sabi niya ulit.
Napatingin ako sa kanya pero hinintay ko lang ang susunod niyang sasabihin.
“Kolboy nga ako…” sabi niya paglingon.
Yumuko ako.
“Wala akong pera…” sabi ko.
“Pero inabotan mo pa rin ako ng isang daan ng walang hinihinging kapalit…” sagot niya.
Bumalik siya sa kama.
Inabot ang aking kamay… pinisil-pisil…
“Nung nakita kita kanina, papatawid ka pa lang nun ng kalsada… gusto na kita…” sabi niya, “hindi ko maintindihan, pero biglang gustong gusto na kita… nahiya pa nga akong lumapit sa’yo… nagalangan… pero naisip ko, baka yun na ang una’t huli nating pagkikita, pagsisihan ko pa…”
Binawi ko ang aking kamay.
“May iba?” tanong niya.
Umiling ako.
“Kasi kolboy ako…?”
Hindi ako kumibo…
Tumungo-tungo siya…
“Pasensya na…” ang nasabi ko na lang.
“Hindi kita masisisi…” sagot niya ng nakangiti.
“Seloso kasi ako…” biro ko.
Natawa siya.
Sandali lang, inabot niya muli ang aking kamay.
Dinala sa kanyang mga labi… hinagkan… isa, dalawa… tatlo… apat… gumagapang…
“Libog ka ‘no?” tanong ko.
“Ayaw mo ba talaga…?” malambing niyang balik-tanong.
Binawi ko ulit ang aking kamay… tumingin sa malayo… tagos sa dingding… sa kawalan…
Nais katagpoin… ngunit sa bawat halik, bawat himas, bawat ulos… hindi ko maalis sa sarili ko ang umasa… at ituring ang lahat na pangako… maging kahit sa simula’y malinaw na kami ay nandun lang dahil sa kahinaan… sa pagtugon lamang sa tawag ng laman… at siya't ako’y mananatiling estranghero pagkatapos… aasa pa rin ako kahit alam kong ito’y kasinungalingan… kahit sa huli alam kong masakit ang mabigo…
Siya’y lalaking bayaran…
“Tao din naman ako… kinakalakal ko man ang aking katawan… ito’y dahil lang sa kapalaran… tao pa rin naman ako, may puso… tulad mo…”
Nagsindi ako ng yosi… sabay sa pagnamnam ng kanyang mga sugat na nilihad niya sa kanyang pangungusap… dama ang kanyang titig, naghihintay…
“Alas kwatro ng umaga… nagdradrama tayo ng ganito,” ang tanging nasabi ko…
Ngumisi siya. Napailing… pinipigil ang nagbabadyang malakas na pagtawa…
Minsan naisulat ko na ako’y pagod na sa pagiging malaya na parang ibong maya… at sa kung kanino’y nagmakaawa sa aking taludtod na ako’y kanya ng ikulong sa kanyang mga bisig…
Masakit ang mabigo…
Humarap ako sa kanya… inabot ang kanyang kamay… pinisil… tinitigan sa mata…
“Mangako ka, sa iyung bawat halik… mangako ka at ako’y aasa… maging alam kung ito’y maaring isang kasinungalingan… mangako ka ng magpakailanman… paasahin mo ko… paniwalain mo ako sa bawat himas ng iyung kamay sa aking katawan na mahal mo ako… sa bawat yakap ng kay higpit, wari sinasabi mo sa akin na ayaw mo ng mawalay sa akin… na sa bawat ungol mo’y ang pangalan ko ang sinisigaw ng puso mo… paniwalain mo ako…”
Masakit mabigo…
At ang aming mga labi’y naglapat…

2 Comments:
walang sinabi ang kuwentong kalibugan sa natatanging likhang panulat mo.
am impressed...grabe. the juxtaposition of erotic interludes with the stark landscape from the stream of consciousness of characters are quite effective....instead of reading like porn...these reads like serial stories..----keep it up..
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home