010. lumang sinehan part 4
Malakas pa ang ambon ng magpasya kaming umalis na sa mamihan para umuwi… Maligalig pa rin ang Cubao… sa gitna ng dilim at mga malamlam na ilaw nito, pansinin mo ang pagbubunye niya… sapagkat sa kanyang yakap ang maralitang tao’y umaasa… nangangarap… humihingi ng awa… Ang Cubao… saan mo man ibaling ang iyung tingin makakakita ka ng kwento… minsan masaya, minsan malungkot… ang iba’y romantiko, subalit sa iba’y pagkabigo… sari-saring mukha… sari-saring lakad… lahat katotohanan… wala ni bahid kasinungalingan…
Sinulyapan ko si Noni na kasabay kung naglalakad ng nakayokod… sinulyapan din niya ko… ngumiti… masarap may kasama habang naglalakad sa ilalim ng ulan…
Kamusta na kaya si Alan…?
Huwag daw sana akong maramot… yun ang sabi niya nung huli kaming magusap… nung huli kaming magaway…
Sari-saring mukha, sari-saring lakad… lahat katotohanan…
Wala lang akong kayang ibigay… hindi siya… hindi ang relasyon namin… kung karamotan man yun… iyun ay dahil ayaw ko siyang mawala…
At unti-unti na siyang nawawala… naagwa na siya sa akin ng mga taong ito sa Cubao—ang maralitang Filipino—na siyang nais niyang ipaglaban… ng pangarap na bukas para sa ating bansa… upang sa pader bumanga… kailangan ng pagbabago, sigaw ng kanyang puso… kung hindi tayo, sino? Kung hindi ngayon kailan?
Gusto ko siyang intindihin… gusto ko siyang samahan… gusto ko rin naman ng mga gusto niya… maralita rin naman ako… at isa rin ako sa mga pilipinong ginagago ng mga politikong polpul na yan… Ngunit nais ko rin naman marinig ang puso niyang ang pangalan ko ang sinisigaw… nais ko rin maramdaman na kailangan niya ako… na gagawin din niya lahat para sa akin… sa akin lang… hindi ang bukas… hindi para sa mga api… hindi para sa pagbabago na inaasam ng madami… ako lang… bakit hindi niya kayang ibigay yun…
Bakit hindi niya kayang huminto sandali… unahin ang sarili… siya… ako… kaming dalawa…?
Kalabisan bang matatawag ‘yun…?
Wala na akong kayang ibigay… kung wala ka ng kayang ibigay… karamotan bang matatawag ‘yun?
Ako man, naagawa na rin sa kanya… unti-unti nawawala… ng ritmiko ng buhay… ng tawag ng laman… ng katahimikan… ng dilim… ng sarap ng buhos ng ulan…
At ng ngiti ng aking kababatang matagal na nawalay…
Sari-saring mukha, sari-saring lakad… lahat basa… lahat pagod sa maghapon paghahanap buhay… lahat nagmamadali ng umuwi… may mga tao din nun lang magsisimula ang kanilang umaga… sa dilim sila’y nagiging anino… sa mga anino, ipagbibili ang sarili… Iba talaga ang Cubao…!
“Tara ‘tol!” tawag sa akin ni Noni, nagmamadaling lumakad papunta sa isang dyip na huminto… nagbabakasakaling maunahanang iba sa pagsakay bago pa ito mapuno… sinundan ko siya… at kunting ayos, kunting pipi sa pagkakaupo… kahit masikip… kahit hindi na komportable… ayos na rin… ang importante makauwi na… ng sa piling ng mga mahal sa buhay makapag-ipon ng lakas para sa bukas na darating at darating sa ayaw man natin o gusto… handa man tayo o hindi…
Ngiti sa mga labi ang tanging consolasyon… ang premyo… ng lahat-lahat… sapat na yun…
“Tol o,” tabig sa aking braso ni Noni, inaabot ang maliit niyang dimpo, “punas ka, maya niyan magkasakit ka pa…”
Ang tanging consolasyon… premyo… sapat na yun… para tayo’y humarapuli ng may sigla sa bukas… kahit alam natin gaano ito kahirap… kahit alam natin halos hindi na natin kaya… kahit alam natin wala ng pagasa… isang ngiti mo lang… at ako’y muling aasa…
Wakas

Labels: lumang sinehan
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home