Thursday, October 23, 2008

011. ang pagbabalik...

“Look whose back…!”

Napalingon ako kay Cedrick ng marinig ko ang kanyang malanding tinig, at sinundan ko ang kanyang tingin…

Nagulantang ako…

Nilingon ko si Lance… nakatingin din siya… at nakita ko sa kanyang mga mata na nagbalik sa kanya ang lahat ng sakit... nakita ko rin na sabay ng pagbalik ng sakit ng nakaraan, ang kanyang pagnanais… na muli…

Si Aaron…

Naawa ako sa aking sarile…





Grabe yun…! a year ago… eksenang-eksena… aliw!

Nakatayo ako sa isang tabi, naghihintay na may isang malabo ang mata o tipong desperado na maawa sa akin at tipong ako na lang… di naman ako mapili… feeling ko naman kasi wala naman akong karapatang maginarte… alam ko naman pangit ako… patpatin pa ko… at madaming magaganda ang katawan at cute… tulad nitong si Aaron… ganda ng katawan—ganda ng pagkatone ng muscles niya, slim… maputi, kutis mayaman… may dimples, pantay-pantay ang mapuputing ngipin, pink ang labi… matangos ang ilong… matangkad artistahin… parang model… bagay sila ng crush kong si Lance… asan kaya siya…?

Kung si Aaron, artistahin… tipong pang love team sa mga kilig-kilig na movie… si Lance pang bold star… soft kasi yung features ni Aaron, habang si Lance… moreno… gym bod… chinito… at kung ngumiti, nakakaluko… lalakeng lalake… tipong si Aaron parang si Aga at si Lance, Richard…


Ewan ko, basta ever since una kung makita si Lance, magkasama na sila palagi… di ko alam kung dun din sila nagkakilala at kung paanong naging sila… basta palagi na lang silang magkasama… di ko pa nakita ang isa na wala ang isa… ngayon lang… asan kaya si Lance…? Alam ba niya ito…?

Di naman makakapagluko itong si Aaron sa Fahrenheit… madaming nakakakilala sa kanya at kay Richard… kung magluluko ito, di naman siguro siya bobo para gawin sa Fahrenheit kung saan madaming mata…

Unless…? Hmmmm…

Illusyonada!!!








“Hi…” may matamis na ngiting lumapit si Aaron…
“Kamusta? Kailan ka dumating!” salo ni Cedrick ng di man lang ngumiti si Lance…
Di ko alam ang gagawin ko… nasa gitna ako ni Cedrick at Lance at nasa tapat ko si Aaron… nanliit ako…
“I’m okay… kahapon lang…” magiliw na sagot ni Aaron kay Cedrick... sabay tapon ng sulyap kay Lance… “Kayo, kamusta?” then tinignan niya ko, nagtatanong kung sino ako…
Tumingin ako kay Lance, nagkatinginan kami… di sigurado kung gusto ko bang ipakilala niya ko o wag na lang niyang bangitin…
“Tara na,” sagot niya at tumalikod na…
Wala akong nagawa kung di sumunod…







“Guys, may bago tayong team mate,” mando ng TL namin… di ko pinansin at may call pa ko… irate si customer…
“Alex…! Cute…!” nagtitimpeng wag tumili na umurong sa pagkakaupo palapit sa akin si Jess…
“Nauna akong nakakita, reserve ko na ‘yan…” pataray na umurong din palapit sa akin si Carlo…
“Mas malaki ang sahod ko sa’yo!” taray na ganti ni Jess…
“Mas senior si Alex sa inyo,” sabat ni TL na nakalapit na pala kasama si newbie...
Pindot ako ng mute…
“Pwede wag maingay at irate si customer!” sagot ko, sabay lingon… paglingon ko, nagulatang ako… natulala…
“Alex, this is Lance, our new team mate,” pakilala ni TL ng di napapansin na mukhang nanuno na ko, “I’m buddying him up to you so he could learn more…”
Di pa rin ako nakapagsalita…
“Lex…!?” si TL, narealize na wala na pala ako sa mundong ibabaw… at kinailangan pa niya akong tapikin sa balikat para magbalik sa ulirat…
“Yes…” simpleng kong nasagot…
Nangiti si Lance… na parang nahihiya… natandan niya siguro kung sino ako… at kung saan niya ko madalas makita…






Sumunod lang ako kay Lance… wala siyang imik, di rin ako nagsalita… kahit habang nagbihis kami, hanging nung kinuha namin ang gamit namin sa safety deposit box… hanging makalabas kami… hanging nung nasa taxi na kami… ni ang tignan siya, di ko nagawa… may kung ano kasing takot akong nararamdaman… lalo ng bigla niyang hawakan ang aking kamay... malapit na sa bahay, papasok na ang taxi sa subdivision namin, dumagongdong ang kaba ko… ayaw ko siyang tignan… ewan ko, feeling ko he would say goodbye right there and then… sa taxi… and that I was hoping he won’t say anything… at halos mahimatay ako ng sabihin niyang… “Lex… I won’t spend the night muna… sa bahay na lang muna ko… just this once… I hope you understand… please understand…”

I don’t… pero wala akong magawa… wala akong magawa kung di pigilin ang pagpatak ng luha ko… I don’t know kung nakita niya… basta, bumaba na lang ako ng taxi at pumasok sa gate namin…







At ayun na nga siya, si Lance… ngunit nakabihis pa siya, bawal yun dun sa taas, pero naisip ko malakas siya sa management kaya okay lang siguro… pero napansin ko rin na he looked exasperated at umiwas si Aaron… naisip ko may tampohan sila… LQ ba…

LQ nga, hinatak ni Lance si Aaron sa kama nung pilit siyang iwasan ito… nagmura si Aaron… malakas… pero di natinag si Lance, pilit pa rin kinakausap si Aaron… “Ano pa ba paguusapan natin!?” sigaw ni Aaron, “tapos na ang lahat sa atin! Wala ng dapat pagusapan pa! Wala ka ng pwedeng sabihin pa, tapos na tayo!” At nung di pa rin tumigil si Lance, aktong sasapakin na niya ito, napigilan lang siya ni Cedrick…

“Sige, tuloy mo,” sigaw ni Lance, nagkakagulo na… “Sapakin mo ko! Sapakin mo ko!”
“Tama na… uwi na tayo… nakakahiya…” baling ni Cedrick kay Lance at pilit ng nilalayo…

Naglakad na rin palayo na rin si Aaron… na parang wala lang ang nangyari…

Napaisip ako, ano nga kaya ang nangyari… naisip ko baka nahuli niya si Lance na nagluluko… malamang, usually ganun naman… ewan… pero di ko naisip na tapos na talaga sila… sa tingin ko that time, tampohan lang lahat yun… mainit pa siguro ang ulo ni Aaron that time… di pa handing makipagusap… masyado pang masakit ang lahat…

Pero after a week or two yata… narinig ko sa tsismisan sa Fahrenheit na umalis na si Aaron, papuntang States… at yun na nga, tuloyan ng iniwan si Lance…





“Crush mo ko ‘no…?” tanong ni Lance ng nakakaluko…
“Yes, lance,” sagot ko ng natatawa, “you are very good looking…”
Tawa din siya…
“Ayoko na ng ganyan! Hmp!” tili ni Jess na nakikinig pala...

to be continued…

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home